E-DESHOU!
ni Edward Labuguen

May-June 2009

THE MIRACLE OF JESUS' HEALING THROUGH THE HANDS OF FR. SUAREZ

August, 2007 dumating sa Japan si Fr. Fernando Suarez ang kilalang pari na ginawa ng Diyos na instrumento para magpagaling ng mga maysakit. Nangyari po ito sa pamama-gitan ng Phil-Jap Asia Tomonokai, isang katolikong organi-sasyon ng mga Filipino dito sa Minokamo City, Gifu Prefecture. Nagka-roon ng "healing mass dito sa Tajimi Cathedral at sa Tokyo, na dinagsa ng daan-daang katoliko. Kasama dito ang mag-asawang Mario at Emilia Rosales na ang tanging dalangin nila ay sana magkaroon ng anak. Sampung taon na sila nagsasama, pagkatapos makasal sa Davao City, napunta ng Japan at dito namalagi at nagtatrabaho. Si Emilia ay maysakit na diabetes, isa sa mga dahilan kung bakit mailap ang pagkakataon na magkaanak. "Pumunta kami dito sa paniniwala namin, na sa pamamagitan ni Fr. Suarez, kakatokin namin ang pintuan ng Puso Ni Hesus upang kami ay biyayaan kahit isang anak at mapagaling ang sakit ng asawa ko," ito ang salitang binitiwan ni Mario bago ang Banal na Misa. Pagkatapos ng makasaysayang pagtitipon na yon, nagpatuloy ang mag-asawang Rosales sa pagdadasal, naging deboto ng Divine Mercy, at sa tulong ng organisasyon, palagi silang naisasama sa panalangin. Sa sumunod na buwan ng Setyembre, 2007, nagkaroon ng himala, nabuntis si Emilia! Pero hindi pa dito natapos ang pagsubok, dahil nung pang-limang buwan na ang pagbubuntis, naging maselan ang kalagayan ni Emilia dahil sa kumplikasyon ng Diabetes, naapektuhan ang bata sa sinapupunan. Yong oras na yon pinapili siya ng Doktor, isa lang sa kanila ng bata ang mabubuhay, at kailangang ilaglag ang bata kung gusto pa niyang mabuhay. Wala siyang pinili, nanghingi siya ng tulong sa simbahan, at kay Fr. Suares, na taimtim na nagdasal na kung anuman ang gustuhin ng Panginoon ay siyang masusunod. Namatay ang sanggol sa sinapupunan, at nabuhay si Emilia. Hindi pa rin nawalan ng pagasa at patuloy sa pagdadasal. Marso 8, 2008, himalang nabuntis ulit si Emilia, at naging maselan ulit ang kanyang pagbubuntis. Kinailangan na niyang mamalagi sa ospital hanggang manganak. Doble ang paghihirap, 9 na buwan ang bata sa sinapupunan halos 9 na buwan ding mamalagi sa ospital, at napakalaking halaga ang kailangan bayaran, ngunit hindi nila inalintana. At noong Disyembre 8, 2008, kapistahan ng Immaculada Concepcion, naipanganak ang malusog na si MARIA HIMIKO ROSALES. Nagpapasalamat ang mag-asawang Mario at Emilia sa lahat na sumama sa krusada ng pagdadasal, ang Fil-Jap Asia Tomonokai, at ang Mary Mother of the Poor Foundation na itinatag ni Fr. Suarez.

    

Maraming himala ang nangyayari sa buhay ng isang tao, ngunit ang mahalaga, ay panatilihin ang pananampalataya sa Panginoon bagkus napakarami ang darating na pagsubok, ay huwag bibitaw. Pwede niyong bisitahin ang website ni Fr. Suarez sa Fr. FernandoSuarez.com at inaasahan din natin sa pagdating ng panahon ay makakabisita ulit siya dito sa atin sa Japan.

 

 

March-April 2009

PANAHON NG TAGSIBOL

Marami na naman sa atin ang natutuwa, katulad ko dahil panahon na naman ng Tagsibol o "Spring Season" sa Ingles, "Haru" naman sa Japan. Maliban kasi sa hindi na masyadong malamig katulad ng winter, at hindi rin mainit tulad ng summer, katam-taman ang panahon ng tagsibol, at napakanda ang kapaligiran dahil sa namumukadkad na mga halaman at bulaklak. Dito sa Japan, napaka-gandang pagmasdan ng pagbabago ng panahon, mula sa napakalamig na winter o " fuyu," ay ang napakagandang tanawin ng papaumpisang tagsibol. Masarap mamasyal, masarap magpiknik sa ilalim ng mga namumu-laklak ng punong-kahoy, payapa ang kaisipan dulot ng magandang tanawin.
Para sa akin ay may kahulugan din ang panahon ng tagsibol."Ah spring! A time when a young man's thoughts turn to thoughts of love! So come and enjoy what many believe to be the best season of them all!" Sa buhay ng tao, tulad din ng panahon. May pagkakataon na mainit, malamig, at katamtaman lang. May mga oras na tayo ay nagkakaroon ng maraming problema, pagsubok o pighati na akala na natin ay nasa balikat na natin ang buong mundo, may panahon din sobra tayong masaya, sagana. Yan ang tunay na kahulugan ng buhay! Para magpatuloy tayong mabuhay, kailangan na handa tayong makibaka sa lahat ng pagsubok, at sumama o sumang-ayon sa agos ng buhay. Maging malinaw sana ang mensahe na dala ng panahon ng tagsibol sa atin. Punuin natin ang ating buhay ng magagandang sibol ng bulaklak. Marami sa atin ang nabubuhay sa pansariling kapakanan lamang. Bakit hindi rin natin isipin ang kapakanan ng iba? Marami tayong pwedeng gawin na makakatulong sa kapwa natin! Mas maganda ang mabuhay, kung marami ang nagmamahal sa iyo. "The true meaning of life depends on how you make it, with much love from your family, friends and other people!" Nais ko sa ating mga kababayang Pinoy na maging masaya sa panahon na ito, panahon na rin siguro na kalimutan muna natin ang mga problema na dulot ng "global crisis". Hindi nga lingid sa atin na marami sa mga Pinoy ang nawalan ng trabaho, bahay at pagkain, pero Pinoy pa rin tayo, kaya kung sama-sama. Tatagan lang natin ang ating loob, maging matibay sa mga pagsubok na ito, at dagdagan ang ating pananalig sa Diyos, at ang ating panalangin. Sa mga problemang ito, lalo na sa mga nakatira sa Minokamo City at karatig siyudad ng Gifu-ken area, makipag-ugnayan po kayo sa amin. Ang organisasyon nating Philippine-Japan Asia Tomonokai ay nakahandang makipag-ugnayan sa inyo. Noong mga nakaraang araw, nakapagbigay na rin kami katulong ang iba't-ibang organisasyon at ang City Government ng Minokamo at mga tumulong na Japanese residents ng food ration tulad ng bigas, canned goods, damit, at mga gulay sa mga kababayan natin na nawalan ng trabaho. Makipag-ugnayan kayo kay Mrs. Keren Tsuchida, ang Over-all chairman, o sa akin na Chairman ng Internal at External Affairs, makipagkita lang kayo dito sa Minokamo Catholic Church kada una at pangatlong linggo, 11AM, o sa Tajimi Cathedral kada pangalawa at pang-apat na linggo, 1PM.
Maipapangako din namin ang palagi kayong kasama sa aming mga dasal.

 

January-February 2009

Parang kailan lang, natapos na naman natin ang taong 2008 at panibagong taon na naman ang kailangan nating lakbayin, ang 2009. Hindi lingid sa atin na sa nagdaang taon ay nabahala at apektado tayo sa global crisis. Dito lang sa Gifu Area, napakaraming Pinoy ang nawalan ng trabaho. Ang masaklap pa, marami din ang nawalan ng bahay dahil karamihan kasi ay mga pabahay ng mga broker. Ngayon lang tayo nakaranas ng ganito. Malaking taghirap hanggang sa panahon na ito.


Bilang isang Filipino, likas pa rin sa atin ang tibay at tatag ng loob na patuloy na nakikibaka sa mga pagsubok na ito. Naalala ko tuloy ang mga salitang binitiwan ni Manny Pacquiao noong nanalo siya sa laban kay Dela Hoia, "Do not tell yourself you have problems, rather tell to your problem that you have a God." Sa mga oras na ganito, kailangan talaga natin hindi lang tatag at tibay ng loob, kundi mas palakasin natin ang ating pananalig sa Diyos. Itanim sa utak natin na sa pamamagitan ng tulong ng Maykapal, malalagpasan natin ang mga pagsubok na ito.


Bagong Taon, bagong pag-asa! Huwag mawalan ng pag-asa. Sabi nga: "failures, frustrations, problems and pains come in our lives, which means that we continue to live, otherwise if we quit, life is finished." At dapat din siguro na pagmunimunihan natin ang nakaraang taon, kung anu-ano ang mga nagawa natin na hindi dapat. "Many people look forward to the New Year for a new start of old vices." Hindi na dapat ganun, kung ano ang pwede nating baguhin, ay baguhin na. "Be always at war with your vices and wrong doings, at peace with your neighbors and let each new year find you a better man."


Ngayong naranasan ang tinding hirap dito sa Japan, kailangang mag-ingat na tayo. Pagbutihin at mahalin ang trabaho, dahil alam na natin ngayon na mahirap mawalan ng trabaho, mas mahirap maghanap ng bagong trabaho.Iwasan na rin natin ang gumastos ng mga walang kabuluhang bagay, at matuto na sana tayong mag-ipon. At ang pinakamahalaga sa lahat, dagdagan ang pananalig sa Maykapal, at palagi sana tayong magdasal.


"Another fresh New Year is here, another year to live. To banish worry, doubt and fear, to love and laugh and give. This bright New Year is given me, to live each day with zest. To daily grow and try to be my highest and my best. I have the opportunity, once more to right my wrongs, to pray for peace, to plant a tree and sing more joyful songs."


Kunin ko ang pagkakataon din na ito na magpasalamat sa aking grupo, the ANGELS' VOICE SINGING MINISTRY of Minokamo Catholic Church. Binuo ko ang grupong ito noong Mayo, 2008 na hangaring magsilbi sa ating Simbahan. Salamat sa suporta ni Madam Keren Tsuchida ng Phil-Jap Asia Tomonokai, lalo na rin sa aming mentors, ang mag-asawang Jet at Grace Tabania, ang lead singer/mentor na si Lei, ang mga tumutogtog na sina Jovan, Noel, Jumar at sa mga kasapi ng singing ministry na sina Lester, Jerwin, Cris, Pau, Roi, Chin, Maricar, Marichel, Di-anne, Jayson, Cyrille, Jeush, Joseph at Jonas. We have proven our best and we will continue to do our best, all for the service and glory of God, and for the people we serve in the Church. Maraming salamat sa lahat na sumuporta sa amin dahil ngayon sa pamamagitan ng mga tulong ninyo, mayroon na tayong kumpletong gamit sa pagtugtog at mas mapabuti na namin ang paglilingkod sa inyo.

Again, Happy New Year sa lahat at gabayan sana tayo palagi ng Diyos sa ating paglalakbay sa taong 2009.

--------------------------------------------------------------------------------

November - December 2008

GAWIN NA NGAYON!

Marami sa atin ang mahilig sa "Mamaya na lang. Bukas na lang. Huwag na lang muna. O   Pabayaan mo muna."

Naalala ko nung nasa kolehiyo pa lang ako, ginugol ko ang dalawang taon sa San Pablo Seminary sa Baguio City sa kursong AB Philosophy dahil sa panahong iyon, nais kong maging pari. Ang seminaryo ay napaka-istrikto sa lahat ng bagay: sa oras ng pag-gising, pag-aaral, paglalaro, pati pagkain, pagtulog pati pagdadasal. Dito ko napag-aralan ang kahalagahan ng disiplina at wastong paggugol sa oras. Pagkatapos ng dalawang taon, lumipat ako sa St. Louis University, at doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral ngunit sa semestreng yon wala akong units na makukuha sa kurso kong Philosophy kaya pansamantala kumuha muna ako ng units sa AB English Literature. Doon na nagumpisa na dalawang kurso ang pinagsabay ko. Kailangan ko ang determinasyon, dahil kung ang ordinaryong magaaral ay kumukuha ng 21 units kada semester, ako kailangan kong kumuha ng mas mahigit doon, lalo na at nagsabay-sabay pa ang aking mga major subjects. Time management, discipline and maybe diligence helped me accomplish my goal by graduating with two Bachelor of Arts degrees, in Philosophy and English Literature.

I wasn't considered a gifted child, at hindi ko rin alam kung paano ko nagawa, na maliban sa dalawang kurso na pinagsabay ko, naging dean's lister din ako hanggang nakatapos, hindi nga lang umabot sa cum laude, dahil transferee lang ako sa pamantasan. This was simply something I decided to do for myself. Though I am telling you this not to impress anyone but rather to make you aware as to how I did it.

Clarity is the most important step on everything you do in order to achieve one's goal. Kailangan mong alamin kung ano talaga ang gusto mong gawin. Sa opisina ko, para hindi ko makalimutan ang mga kailangan kong gawin, palaging nakasabit sa harapan ko ang katagang "DO IT NOW!" At palagi kong tinatanong ang sarili ko, "What exactly it is that I am trying to accomplish?" Everyday in my office, I always realize that if I work for MYSELF, it is easy to spend a whole day at my desk and accomplish nothing of value. This happens when you are not sure or clear about what are you trying to accomplish. You must know your destination with as much clarity as possible. Just like in life, make your goals specific, and it must be so clear. If you cannot define your destination precisely, how will you know when you've arrived? Pero may pagkakaiba sa pagkakaalam sa iyong destinasyon at kung anong paraan ang gagawin mo sa pagtahak sa yong pupuntahan. Dito pumapasok ang tinatawag na "integrity in the moment of choice." This means that you should not follow your plans blindly without conscious awareness of your goals. At palaging tandaan na sa pagtahak ng ating mga minimithi, napakaraming pagsubok ang pagdadaanan, at kailanman ay huwag bibigay o susuko. Kadalasan, tayo ay takot sa pagkasawi, pero dapat intindihin na ang kasawian ay ating kaibigan. Ang mga taong kilala nating nagtagumpay ay dumaan sa maraming kasawian. Kung sino ang taong matagumpay ay siya ring pinakamaraming kasawian. Ganyan din ako noong nagaaral ako, may mga panahon na akala ko ay kabisado ko na ang aking inaaral ngunit pagdating ng pagsusulit, ang resulta ay mas mababa kaysa sa inakala ko. There is nothing wrong or shameful in failing. The only regret lies in never making the attempt. Paano mo nga malalampasan ang mga pagsubok at kasawian kung hindi mo susubukang labanan? We must understand that failure is not the opposite of success. Failure is an essential part of success. Alam niyo ba na ang unang ginawang eksperimento ni Bill Gates at Paul Allen tungkol sa computer at internet ay hindi naging matagumpay, ngunit ano ngayon? Isa na sila sa pinakamayaman sa buong mundo! Kung hindi nagkamali at sampung libong beses na inulit-ulit ang mga eksperimento ni Thomas Edison, di sana hanggang ngayon wala pa tayong kuryente? Kung ang salitang "failure" para sa yo ay kasawian, mas maganda siguro na sabihin, kung hindi ka man nagtagumpay, mayroon kang nalaman! Even if you fail in your attempt, you will learn something valuable and can make a better attempt next time. Failure experiences are essential contributing factor in future successes. Ako kung hindi ako nagtiyaga sa pagaaral ng mabuti, kahit sa panahong yon ay kapus ang pamilya ko sa pera, pinagtiyagaan ang nagiisang sapatos na halos mapudpod na sa araw-araw na gamit, nagtitiyaga sa araw-araw na itlog na sa umaga ay prito, sa tanghali ay nilaga, sa gabi naman ay isasama sa noodles, nakuha ko pa rin ang minithi kong titulo, at nagamit ko ngayon ang tagumpay na ito sa kinaroroonan ko ngayon.

DO IT NOW! Again and again at the start of each workday. Kung anuman ang pwede mong matapos, tapusin kaagad. A lightning strikes a certain place only once, sabi nga "strike the iron while it is hot." Opportunity knocks only once, kaya huwag sayangin ang mga panahon. Palakasin palagi ang sarili sa lahat ng bagay na gustong mithiin. Cultivate your enthusiasm. Go after what really inspire you. Don't chase money, hindi pera ang sagot. Chase your passion! Kapag hindi ka masaya sa ginagawa mo, itigil mo na lang. The worst waste of time is doing something that doesn't make you happy. Your work should serve your life, not the other way around. So then, if you like to be more productive, then do so with the intention of improving the totality of your life, from top to bottom. This is not about self-sacrifice, self-denial and doing more of what you dislike. It is about embracing more of what you already love.

Malapit na namang matapos ang taong 2008, nais ko po ang mas magandang kapalaran at manigong buhay para sa ating lahat sa 2009! Para sa ating mga tagasubaybay, MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!



September-October 2008

PHILIPPINE-JAPAN ASIA TOMONOKAI

Dumating ako sa Minokamo City, noong Marso, 2007 dahil dito ako nadestino sa bago kong trabaho sa SINBI WORKS, LTD. Hinanap ko kaagad kung saan ako pwedeng magsimba at kung saan ang simbahang Katoliko dito. Masaya ako at natagpuan ko ang Tajimi Cathedral, at Minokamo Catholic Chapel, at mas masaya ako na mayroon din palang Komunidad ng mga Pilipino na nagsisilbi sa Simbahan at Komunidad, na pinangungunahan ng Pangulo ng Philippine-Japan Asia Tomonokai na si Mrs. Keren Tsuchida. Sumama ako sa grupo at nagboluntaryo ako sa organisasyon at naging aktibo din ako sa Simbahan tulad ng kinagawian ko sa Mikokoro Church, sa Nagoya City.

Malaki ang naitutulong ng organisasyon na ito, hindi lamang sa pagsisilbi sa simbahan tulad ng pagaasikaso sa misa, sa mga kasal at pabinyag sa simbahan, sa mga namamatay na Pilipino, pagbisita sa mga maysakit at pagbibigay ng mga relihiyosong seminar sa mga tao, kundi nagsisilbi din ang grupo sa pamayanan katulad ng pag-ayos ng Consular Outreach Program, pagsuporta sa mga aktibidades na inilulunsad ng Gobyerno ng Japan, mga iba't-ibang proyekto na tumutulong sa mga kapus-palad na kababayan natin sa iba't-ibang parte ng Pilipinas tulad ng Smokey Mountain.


Noong nakaraang July 1, 2008, nagkaroon ng re-organisasyon ang grupo at nagkaroon ng paghalal ng bagong opisiales. Nagpapasalamat ako sa komunidad ng mga Pilipino dito na kahit mahigit isang taon pa lang akong nananatili dito sa Gifu-ken ay binigyan ako ng halaga at itinalaga bilang bagong mamuno sa grupo. Ito ang mga bagong opisiales ng Philippine-Japan Asia Tomonokai: Edward P. Labuguen, Chairman (Internal and External Affairs), Bernadeth Lim, Finance Manager; Benjie Sabido, Assistant Finance Manager; Ma. Teresa Takahura and Maricris Latonio, Secretariat; Corazon Danny, Auditor; Representatives: Jenevy Linasa ng Fujiworks; Jojo Danny ng Kayaba; Jimmy Lim ng Nissen; Jade Alexis Soliyon ng Daio; Samson Linasa ng Kubuchi; Jho Trinidad ng Imasen at Lei Lionel Esta ng Hitachi. Si Mrs. Keren Tsuchida na dating Pangulo ay mananatili pa ring Over-All chairman at mayhawak ng Religious Activities at Senior Adviser ng organisasyon kasama ang butihing asawa na si Mr. Fujio Tsuchida na Adviser din para sa Japanese side.

Patuloy na magsisilbi ang grupong ito para sa mga Pilipino na nandito sa Gifu-ken area, tulad ng Minokamo, Tajimi, Seki, Kani, Seto at Kakamigahara. Sa mahigit na limang daan na Pilipino na aktibong kasapi ng organisasyon, sana patuloy pa rin kayong sumuporta sa lahat ng adhikain natin, para sa ating kapakanan. Tayo ay Pilipino, kaya kung sama-sama! At ang bagong opisiales ay nangangako din na gagawin lahat ang makakaya para makapagsilbi sa inyo, at mas lalong palawakin ang aktibidades, proyekto at adhikain para mas lalong makapagsilbi sa mga kababayan natin. Mabuhay ang Philippine-Japan Asia Tomonokai!

Happy Birthday kay Ronald Labuguen, kapatid ko na nagdiwang ng kaarawan noong Agosto 25, at sa dalawang taong malapit sa aking puso, na sabay na nagdiwang ng kaarawan noong July 23, sina Andy Ignacio at Lei Lionel Esta ng Hitachi. Si Suzette Labuguen na magdiriwang ng kaarawan ngayong Setyembre 16, si Marivic Bacanay sa Setyembre 26, at si Mario Rosales sa Setyembre 25. Binabati ko rin ang asawa ni Mario na si Emilia na sa kasalukuyan ay buntis pagkaraan ng sampung taon na pagsasama. Naniniwala sila na sa pamamagitan ng tulong ni Fr. Fernando Suarez, the healing priest na nagpunta sa Japan noong Agosto noong nakaraang taon, kaya sila ay nabiyayaan ng anak. Babalik ngayong Setyembre si Fr. Suarez para sa healing ministry, antayin lang ang ibang detalye sa kanyang pagpunta.

 

July-August 2008

Kaibigan, Mahalaga Ka Sa Akin!

Ang halaman kapag itinanim, kailangang alagaan ito, hindi lang sa dilig, kundi kasama ang pagbibigay ng proteksiyon laban sa pinsala, upang ito ay lalaki. Ganyan din ang PAKIKIPAGKAIBIGAN, kailangan alagaan ito tulad ng isang halaman. Ano nga ba ang tunay na kahalagahan ng PAKIKIPAGKAIBIGAN.

I have been trying to describe FRIENDSHIP in terms of what it is. Many would say, friend is there for you when you are down. So, friendship is a form of love. Ang tunay na kaibigan ay siyang taong pwede mong pagkatiwalaan sa lahat ng bagay, sa mga problema, at kahit mga sekreto ay pwedeng sabihin. Ang pakikipagkaibigan ay isang relasyon na hindi mapapantayan. At ang pinakamahalaga ay bilang isang totoong kaibigan, nakahanda ka na ibigay ang pwede mong ibigay, kasama na ang buhay kung kinakailangan, dahil ang pakikipagkaibigan ay isang sakripisyo. Ang totoong kaibigan ay magsasabi ng totoo, kahit alam mo na ang katotohanan ay magdudulot ng sakit. Ang isang kaibigan ay hindi mag-uutos ng mali. Sasabihin ang totoo kahit alam mo na ayaw itong pakinggan.

Paano tayo magkakaroon ng tunay na KAIBIGAN? Naniniwala tayo na ang isang kaibigan ay palaging nasa tabi natin lalo na sa oras ng pangangailangan. Gusto natin ang isang kaibigan na masasandalan sa oras na tayo ay maraming problema, nasa gitna ng pighati, at sa isang ngiti lang o payak na pakikipag-usap ay huhupa ang ating nararamdaman, o maibsan ang ating kalungkutan. Kaibigan ang turing natin sa mga taong ganyan, at hindi totoong kaibigan ang nasa tabi natin sa oras lang ng karangyaan, kasayahan, kasikatan at iiwanan ka sa oras ng pangangailangan. Totoong kaibigan ang magnanais ng kabutihan para sa yo, at hindi totoong kaibigan ang magtutulak sa yo sa isang responsibilidad, at iiwanan at pababayaan kang mag-isa sa oras na siya ay iyong kailangan.

May kakilala ako na tunay na kaibigan, at nais ko rin siyang ipakilala sa inyo, at siya rin ay inyong maging matapat na kaibigan. Siya ang kaibigan na naka-agapay sa inyo sa lahat ng oras, at hindi niya iniisip kung sino ka, mayaman ka man o mahirap, pangit ka man o maganda, matangkad ka man o maliit, nakabukas ang kanyang palad at handa siyang yakapin ka at ituring na tunay na kaibigan. Siya ang kaibigan na palagi niyang iniisip ang kapakanan mo. Siya ang tunay na kaibigan na nagbuis na ng sariling buhay para sa yo. Ang sinasabi ko ay si Hesu Kristo, ang tunay na kaibigan at naghihintay sa yo. Kung hindi pa natin tinatanggap ang pakikipagkaibigan Niya, naghihintay pa rin siya. Mahal tayo ng Panginoon kaya ibinigay Niya ang kaisa-isang Anak Niya para siya ang maging tunay nating Kaibigan, nag-alay ng kanyang buhay para matubos tayo mula sa pagkakasala, at kung sinuman ang maniniwala at tatanggap sa Kanya bilang Kaibigan ay mabubuhay at hindi mamamatay sa piling Niya.

Sa mundong ito, marami ang klase ng kaibigan. Pasalamat ako dahil nabiyayaan ako ng mga tunay na kaibigan, na nandiyan palagi para sa akin. Sa bansang ginagalawan natin, kailangan natin ang tunay na kaibigan na kaagapay natin sa lahat ng oras. Mamili tayo ng kaibigan, ang totoong kaibigan hindi lang sa pang-araw-araw nating pakikisalamuha, mas mahalaga sa ugnayan natin sa Panginoon.

Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta pa rin sa JP, lalo na sa pitak nating EDESHOU, nakakataba ng puso ang mga komento niyo at sa mga emails na natatanggap ko. Salamat din kina Fr. Jun Peralta at Sister Narie, na nagpasimuno ng UNITY AND BONDING FELLOWSHIP na ginanap noong June 29 kung saan halos lahat ng mga grupo ng simbahan ng ibat-ibang prepektura ay nakiisa. Masaya kahit umulan, totoong pagkakaisa talaga. Congratulations sa magagandang presentasyon lalo na mula sa grupo ng Nagoya, bagay pala sa kanila ang maging madre, lalo na ang presidente ng PSJ na si ate Noemi Oba, si Jessica Hattori at Alma na napaka-galing kumanta ng 'I Will Follow You', at napakaganda rin ang mensahe sa presentasyon ng mga taga Hibino Community. Napakaganda at nag-kitakita tayong muli dahil sa PAKIKIPAGKAIBIGAN. Napakasaya din ang ginanap na pagtitipon-tipon sa Philippine Consulate sa Osaka noongÊ June 15 para sa selebrasyon ng 110th Anniversary ng Philippine Independence Day. Napakaganda rin ang mga pagtitipon na ito, at nakikita natin ang pakikipagkaibigan at pakikiisa ng bawat Pilipino sa Japan. Mabuhay si Madam Maria Lourdes Lopez, ang Consul General! Happy Birthday sa ate ko, si Mrs. Gemma Miyagawa sa Agosto 1.

 

May-June 2008

SI TATAY AT SI NANAY,  SAGISAG NG PAG-IBIG

"My mother and my father are never ending songs in my heart of comfort, happiness, and being. I may sometimes forget the words, but I always remember the tune"... ang mga katagang ito mula kay Graycie Harmon ang nagpapaalala sa atin ang kahalagahan ng ating mga magulang. Ngayong Mayo 11 ang Araw ng mga Ina, at sa Hunyo 15, Araw naman ng mga Ama.

Taon-taon ay inaalala natin ang ating Ama at Ina, pero alin ba ang mahalaga, tanging pag-alala lamang? Mahalaga lang ba sa atin na maalala natin, na ang ating Ina, ang nagbitbit sa atin ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan, at noong tayo'y isinilang ay nakahanda siyang magsakripisyo ng kanyang buhay para masilayan natin ang mundo? At ang tatay, na kayod ng kayod at patuloy na nakikibaka sa hirap ng buhay para tayo ay masuportahan? Maganda na maalala natin ang mga sakripisyong ito ng ating mga magulang, ngunit ang mas mahalaga, ay kung paano nating maibalik sa kanila ang pagmamahal na iniaalay nila sa atin.

We honor our father and mother because without them, we would not be what we have become. Our parents are our truest friends we have on earth, that when trials are heavy and sudden, fall upon us; when adversity takes the place of prosperity, when friends who rejoice with us in our sunshine, dessert us when troubles thicken around us, still our parents cling to us, and endeavour by their kind precepts and counsels to dissipate the clouds of darkness, and cause peace to return to our hearts. Ang magulang ang kakampi natin sa lahat ng oras, at kaya tayong ipagtanggol sa lahat ng oras, ngunit hindi naman tayo kakampihan sa ating mga pagkakamali, bagkus ay aakayin tayo patungo sa landas ng katinuhan at katotohanan. 'Yan ang tunay na magulang. "My parents broke the bread into fragments and give to the children to their eagerness. Nothing for them not because they are not hungry, but because they are PARENTS." Magpasalamat din tayo sa Panginoon, na pinagkalooban tayo ng mga magulang, " You are a genius Lord. You thought of everything! Truly, you do all things well, because PARENTS are truly amazing!"

Si Nanay, ang simpleng si Nanay ay larawan ng tunay na Pag-ibig. MOTHER, MOTHER... M is for the Million things she gave me; O means Only that she's growing old; T is for the Tears she shed to save me; H is for her Heart of purest gold; E is for her Eyes, with love-light shining; R means Right, and right she will always be. Put them together, they spell MOTHER, a word that means the world to me. "Who fed me from her gentle breast, and hushed me in her arms to rest, and on my cheek sweet kisses prest?" My mother.

Si Tatay, ang palaging pagod na si Tatay, hindi lang bilang isang haligi ng tahanan, kundi sa kanya rin nanggagaling ang lakas at tibay ng loob ng pamilya. Katulad ng sinabi ni Lord Langdale, "If the whole world were put into one scale, and my father in the other, the whole world would kick the beam."

Ang nanay at tatay ay parang banko kung saan natin iniimpok ang ating mga pighati at mga alalahanin sa buhay, dahil alam natin na palagi silang andyan, karamay sa lahat ng bagay at sa lahat ng panahon. At kung ikaw ay isang tatay o nanay na, alam kong mararamdaman din ninyo na hindi iisa ang isipan niyo. Palagi, ang isipan ninyo ay dalawa, isa para sa sarili, isa para sa anak.

Yes, mother's and father's day come and go. But the memories linger and remain. Let us remember them on those special days, send our greetings, our gifts, but most specially let them feel that we are around, that we love them dearly, and pray to God for thanksgiving of granting us precious parents, and for their continous good health and may live longer so that we may still have the chance to show our love for them.

Let us be grateful to them who make us happy because they are the charming gardeners who make our souls blossom.

Sa aking Nanay na si Mrs. Enriqueta Labuguen, mga kapatid ko na mga nanay at tatay na rin, Ate Gemma and Seikisan, Kuya Vic and Ate Letty, Gladys and Maxi, Jun and Ting, Zet, Ronald, sa mga Tito at Tita, lalo na kay Mrs. Dolly Eduarte na nagsilbing pangalawang Ina namin, Si Auntie Nenet, Uncle Edie, at mga taong hindi ko naman kaanu-ano ngunit sila ay Tatay at Nanay sa akin, Mr. and Mrs. Kazuhiro Ohwaki, Mr. and Mrs. Fujio Tsuchida, Mr. and Mrs. Arnel Omabe, Mr. and Mrs. Hiro Hayashi, Mr. and Mrs. Melchor Bucasas, Mr. and Mrs. Boy Cajayon at si Ate Amie Sago. Masuwerte siguro ako dahil malayo man ako sa aking Nanay, at sumakabilang buhay na rin ang aking Tatay, pero nakahanap ako ng mga magulang na nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Sa inyong lahat, HAPPY MOTHERS' DAY SA MAY 11 at HAPPY FATHER'S DAY sa June 15!

Binabati ko rin ang mga mababait na kaibigan, at mga taong nagpapahalaga sa pagsisilbi sa Diyos: si Lei, Lester, Jerwin, John, Roi, Jade, Leo, Romie, Echo, Dwight, Francis, Richard, Andie, Rondave, Mayo, Val, Renzo, Kausin, Geush, Jay, Lionel, Cesar, Ruzzel, Johannes, RJ, Orly, Zaldy at ang mabait na Supervisors nila sa Hitachi Minokamo, si Adrian at Anthony. Maraming salamat sa suporta. Keep up the good works.

 

March-April 2008
THE PASSION AND DEATH OF JESUS CHRIST

     Sa pagkabasa natin ito, tapos na ang Mahal na Araw o yong tinatawag nating Semana Santa. Alam ko na dito sa Japan hindi natin masyadong nararamdaman ang diwa nito, hindi katulad sa Pilipinas. Magkaiba nga ang kultura natin, saka ang Japan ay hindi naman bansang marami ang Kristiyano ngunit ang mahalaga, sana mapanatili natin sa ating puso at isipan ang mensahe ng paghihirap at pagkamatay ni Hesukristo.

     "For God so love the world that He gave His only begotten Son, that whoever believe in Him shall not die but shall have an everlasting life." Ito ang napakagandang mensahe na dapat ay magpakailanman ay nakaukit sa ating mga puso at isipan. Ito ang pundasyon ng ating pananampalataya at gabay natin bilang isang Kristiyano. Kailangang balikan natin ang mahahalagang araw na ito upang muli sa ating mga puso ay sariwain ang sakripisyo at pagmamalasakit ng Diyos sa atin. Tayo ay makasalanan. "To err is Human", kasi tayo ay mga tao na marupok lamang. Pero bilang isang Kristiyano, pwede nating iwasan ang magkasala, at isipin natin ang pagpapasakit kay Kristo na siyang tumubos sa ating mga kasalanan upang mabigyan tayo ng buhay na kapiling Niya, pagdating ng panahon.

     Maguumpisa ang mahal na araw sa Domingo de Ramos o Palm Sunday. Holding Palms in our hands, we acclaim the Lord with joy and cheers of "Hosanna", honoring Jesus as the One who comes in the Name of the Lord. Pero ilang araw lang, mapapalitan ang saya, sa lungkot dahil ang Haring dumating ay papatungan ng koronang gawa sa tinik. He is the suffering servant, the one who will endure great agony that we might know everlasting peace. Maganda ring pagmunimunihan dito ang ginawa ni Judas, ipinagpalit niya ang pagtitiwala kay Hesus, sa pera. The love of money is the root of all evil. Judas was consumed with greed, the same sin that has been known to distract many people from seeking true and lasting riches.  The coins given to Judas could be used to obtain many possessions, but they would never assuage the guilt he incurred by betraying the Lord. Money can buy many things, but it cannot purchase the lasting happiness that comes from doing what is right, good, noble and true. The Lord gives us His Body, Soul and Divinity in the Holy Eucharist. Such is His love that He gives to us everything that He has to give in the perfect sacrifice at Calvary, the sacrifice represented in every mass. May we learn to prefer nothing to the treasures worth infinitely more than money or gold.  Hindi lang si Judas, pati si Pedro na nagkaroon din ng agam-agam at nagsinungaling siyang hindi niya kilala si Hesus. Courage is standing up for the Lord! We must pray that unlike Peter, may courage in standing up for our belief in the Lord never be lacking in us. Out of the shadows comes invincible light, from the darkness comes the brightness of God's glory. He is the Risen Lord, we as His people joyfully rise with Him. The Resurrection of Jesus is God's victory over the sin and death that has held mankind captive since the fall of Adam and Eve. And by our baptism into the death of the Lord we share in the glory of the resurrection.

     We must never give up as we face our earthly trials. Ang mga problema, pasakit, ay kasama sa pagtahak natin ng buhay dito sa mundo. We are children of the light. We know that Christ once risen from the dead, will not die again and death has no more dominion over him nor does death have power over those who believe in Him!

     May the message of the Holy Week deepen our faith and make us truly grateful for all that our God does to show us His love. At sana patuloy tayong magsilbi bilang isang totoong Kristiyano para sa Diyos at sa mga tao.

     CONGRATULATIONS sa lahat ng mga nagtapos lalo na ang anak ko si NICOLE AYANA LABUGUEN, bilang class valedictorian ng Grade Six sa LaPaz Central School, Abra; sa pamangkin ko na si ARIEL BENEDICT ALCALDE, na nagtapos din ng High School. Sa lahat ng mga birthday celebrants natin lalo na si John, Dwight at Lester na taga Hitachi-Minokamo City, sa mama ko si Mrs. Enriqueta Labuguen sa March 8, at mga kasama ko sa Japan-Asia Tonmonakai na may kaarawan din lalo na ang Presidente ng Asosasyon na si Madam Keren Tsuchida, kasama ang ibang opisyales na si Noreen at si Michael, Happy, happy Birthday sa inyong lahat!





January-February 2008
PAANO ANG BUHAY NGAYONG 2008?

      Parang kailan lang, parang lumipas lang ang magdamag, 2008 na pala! Magkahalong tuwa at pangamba, ang nararamdaman ng bawat isa sa atin sa pagsapit ng panibagong taon. Masaya tayo na kahit papaano, sa hirap ng buhay at sa lahat ng mga naging suliranin, pighati, pagdurusa at kahirapan, nakaraos tayo at naabot natin na mapayapa ang taong 2008. Ngunit, hindi rin maiwasan na tayo ay mangamba, at bumabalot sa ating mga kaisipan ang mga katanungang: Ano kaya ang mayroon ang 2008? Magiging maunlad kaya? Sana walang maging problema, sana walang sakuna? Sana, maraming sana...

     Para sa akin, malaking bagay na lahat tayo ay umabot sa bagong taon na ito, dahil ito ay isang malaking basbas mula sa Panginoon. Maging matatag lang tayo, sa pagsuong sa panibagong buhay na ito. May kasabihan nga sa Ingles na : "Life is not finished when you encounter a lot of problems, frustrations and pains which means life must go on, but life is finished if you quit."  Sa pagtawid natin ng mundo ng buhay, gusto kong ibahagi sa inyo, ang mga sumusunod na dapat nating tandaan, na magsisilbing inspirasyon ng bawat isa sa atin.

     In life's journey, we must remember that there are three things that never come back: TIME, WORDS AND OPPORTUNITY. We should not waste them, they are like gold that mean a lot towards attaining our goal. ANGER, PRIDE AND UNFORGIVE-NESS: the things that can destroy our fellowmen. We should avoid these, rather we should build FRIENDSHIPS with MEEK and HUMBLE hearts. And we should never lose HOPE, PEACE AND HONESTY because these are the ingredients of a happy and good life. We should also remember that in life we must set our priorities, the things that we must consider our "valuables", they are LOVE, FAMILY and KINDNESS. And in trodding a long way to the journey of life, the following are not certain, because we are the ones who can only decide, and we are the only one who make our own FORTUNE, SUCCESS and DREAMS. But in achieving them, we need the following in order that we become a total person: COMMITMENT, SINCERITY and HARD WORK.

          We know then, that there is still a long way to trod towards life, towards the attainment of our dreams. Sometimes the road is muddy, full of thorns and hard stones. But although sometimes as we walk, we find joy, happiness and blessings only if we are determined and we believe these three things that are truly constant - FATHER, SON and HOLY SPIRIT, the God above us all, the God who saves, the God who loves, and the God who is omnipotent and yet show mercy to us, who guides us if we believe in Him, and accompany us as we travel along the "Road of Life".

     Sa lahat ng mga kababayan natin sa buong Japan, nais ko po ang lubos na kaligayahan at puno ng biyaya ang taong kasaluku-yan. Alam ko na marami din darating na suliranin, ngunit sa tulong ng ating pananalig sa Maykapal, malalampasan nating lahat basta patuloy tayong magmahal at mapagpakumbaba! I ask the Lord to bless you, as I pray for everyone everyday, to guide and protect you, as you go along your way. Always remember that God is love and He is always with you. God's promises are true. And when you give God all your cares, offer Him your frustrations and pains, God will see you through.

     Gusto ko pong batiin ang mga kaibigan at kasamahan ko sa PHIL-JAP ASIA TOMONOKAI at nais po naming ipaalam na nagbukas na rin ang MARY MOTHER OF THE POOR, FOUNDATION na naghahangad na tumulong sa mga mahihirap na kababayan natin sa Pilipinas. Isang Foundation na itinatag ni Fr. Fernando Suares, ang kilalang healing minister ng Diyos na bumisita noong Agosto 14, 2007 dito sa Japan. Para sa inyong tulong o katanungan, makipag-ugnayan lang po kay MADAM KEREN TSUCHIDA, presidente ng organisasyon o sa FIL-JAP ASIA TOMONOKAI sa telepono bilang: 057-5225365 at 09074338118 o 09029219004. Sa mga kasamahan naming nagdiwang ng anibersaryo ng kasal, HAPPY WEDDING ANNIVERSARY kina MELCHOR at NOREEN at kina BETH at ARNEL, kasama ako sa nagdadasal na sana patuloy ang maganda at punong-puno ng biyaya na pagsasama kasama ang inyong mga anak na sina MELENOR at ANIKO. Happy Birthday din sa amo ko ng SINBI WORKS, LTD, na si Mrs. Evangeline Ohwaki  na nagdiwang ng kaarawan noong January 10, kay Maria Gloria Cular noong January 15, kay Dong Crisostomo, noong January 20, kay Jean Goba sa January 24, kay Renel Supnet sa January 28, Gladys Alcalde sa January 30 at Happy Birthday din kay Dannie Cular sa kanyang kaarawan sa February 16. Mabuhay kayong lahat! Sa mga makakaalala, at pupunta sa kaarawan ko sa January 29, maraming salamat!
   
   
------------------------------------------------------------------
November-December 2007
ANG KAHALAGAHAN NG DASAL
     Mula pa noong bata ako, naipamulat na sa aking murang isipan ang kahalagahan ng dasal. Isa rin sigurong dahilan, ay lumaki ako sa aking Lola, ang taong kinakitaan ko ng labis na paghanga, hindi lang sa pag-aalaga sa akin, kundi ang debosyon niya sa Diyos at paniniwala niya sa dasal.
     Ang dasal para sa akin ay hindi lang naman isang ritwal na pagbibigkas ng salita, kundi pagbubuhos ng busilak na puso. Ang pagdadasal ay isang ekspresyon ng ating relasyon sa Panginoon, na siya ang ating kinikilalang Dakilang Ama, at tayo ang kanyang mga anak. Bilang mga anak, tayo ay may mga pangangailangan, pero hindi ibig sabihin na tayo ay magdasal para lang matugunan ang mga pangangailangan na yan, kundi nagdadasal din tayo para maalala natin na may Diyos, at sa pamamagitan ng dasal, napapatibay ang ating relasyon sa Kanya.
     Para sa iba, ang pagdadasal ay mahirap gawin, pero dapat nating intindihin na ang dasal ay isa lang payak na pakikipagusap sa Diyos. Marami sa atin ang nagtatanong, ano ang dasal? Paano ba ang magdasal? Ang pagdadasal ay katulad ng pakikipagusap sa isang matalik na kaibigan. Alam natin na napakadali ang pakikipagusap lalo na kung alam mong ang kausap mo ay naiintindihan ka at minamahal ka. Ganun din dapat ang pakikipagusap sa Diyos, sa pamamagitan ng Dasal. Una, sa pakikipagusap sa Kanya, humingi ng tawad sa lahat na nagawang kasalanan, at hingin na magbago ka sa pamamagitan Niya." Magsisi sa mga kasalanan, at ibalik ang loob sa Diyos, para malinis ang iyong kalooban" (Gawain ng mga Apostol 3:19). Pangalawa, idaing sa Kanya ang mga saya at pighati sa buhay. Idaing din ang mga pangangailangan at mga pinagdadaanang problema. " Idaing lahat ang pighati at problemang pinagdadaanan, dahil ang Panginoon ay nagmamalasakit sa yo" (1 Pedro 5:7). Panghuli, magpasalamat sa Diyos. Dapat mong alalahanin na Siya ay naipako at namatay sa krus ng dahil sa ating lahat." Sapagkat mahal na mahal tayo ng Diyos kaya ibinigay Niya ang kaisa-isang Anak Niya, na sinuman ang maniniwala sa Kanya, ay hindi mawawala kundi mabubuhay magpakailanman" (Juan 3:16). Sa pagdadasal, kailangan ang kumpiyansa sa sarili at paniniwala sa Kanya. Kailangan din maging masaya sa paniniwalang kaya Niyang tugunan ang ating mga pangangailangan at iahon sa ating mga pighati." Because of Christ and our faith in Him, we can now come fearlessly into God's presence, assured of His glad welcome (Eph 3:12) So let us come boldly to the throne of our gracious Lord. There, we will receive His mercy, and we will find grace to help us when we need it (Heb 4:16).
     Ang isa ring mahalaga sa pagdadasal, kailangan ding magdasal na may pananampalataya. Kailangan mong maniwala na may Diyos na tutugon sa iyong dasal. Pangalawa, magdasal na may pagsamba at respeto sa Panginoon. At panghuli, ipagdasal ang bawat isa, huwag maging makasarili, ipagdasal ang ibang tao, lalo na ang mga hindi marunong magdasal, o yong nagdadasal lang sa oras ng pangangailangan.
     You will know with confidence that God can hear you when you pray, so open that line of communication. Pray! knowing that no matter how far you roam, your connection with God can never be lost! Pray in the morning full of praise, thank Him for the new day, thank Him that we are able to see and hear, and that we are blessed that He is there who forgives and understands. Ask him everyday that every single day, we start with a new attitude and plenty of gratitude, and that we will make the best of each and every day to clear our minds so that we can hear from Him, and He broadens our minds that we will be able to accept things we have no control over. We must understand that even when we can't pray, God listens to our hearts. Ask Him everyday that God will continue to use you, continue to bless you that you will become a blessing to others, keep you strong so that you may help the weak, ask Him to keep you uplifted so that you may always have words of encouragement for others. Pray also for those that are lost and can't find their way, for those who are misjudged and misunderstood and for those who don't know God intimately. Pray for your family members, so that peace, love and joy remain in our homes, and pray for everyone that we will realize that  there is no really a problem, circumstance or situation greater than God. Every battle is in the hands of God.
     Sa lahat sa ating naninirahan dito sa Japan, alam ko na marami tayong pinagdadaanan, hindi lang mga sakripisyo o problema, kundi mga pighati na nararanasan natin sa pagtira sa ibang bansa. Bigyang pagkakataon ang iyong buhay na mapalapit sa Diyos, naghihintay Siya na muling buksan ang inyong mga puso para pumasok ang pagmamahal ng Diyos.
     Pasko na naman, hindi lang sa kasiyahan na dala ng panahong ito, kundi isang masayang pag-alala na minsan dumating si Kristo sa ating buhay at dapat panatilihin natin Siya sa ating mga puso. Isang napakaligaya at puno ng biyayang PASKO sa ating lahat, at manigong Bagong Taon, mga kababayan!
     Isang pasasalamat at pagbati sa ating mga tagasubaybay lalo na kay JOEL GALANG, na nagbigay ng lubos na inspirasyon at saya sa maikling panahon na itinigil niya dito sa Japan, at sa lahat ng mga kaibigan natin na nagsisimba sa Tajimi Catholic Church (2nd and 4th Sunday 1:00 PM), at sa Minokamo Catholic Church (1st and 3rd Sunday 10:30 AM) lalo na ang mga kaibigan natin sa Hitachi Company, ng Minokamo City na sina Val, Mayo, Melvin, Popong, Richard, Marvin, July, Joseph, Christian, Ken, Jumo, Dondon at mga kasamahan nila. Keep up the good works! Maraming salamat po, magkitakita na lang tayo sa 2008!
 
------------------------------------------------------------------------


September-October 2007
PAGBABALIK-TANAW NG NAKARAAN!
(ISANG TAON NA PAGLILINGKOD SA JEEPNEY PRESS)
      Unang pagkikita namin ng batikang Editor at Creative Director ng Jeepney Press na si GINOONG DENNIS SUN, ng magsama kami sa pamumuno ng pagtatanghal ng naganap na pagtitipon ng mga Filipino sa Nagoya City, buwan ng Mayo, taong 2006. Noon pa, naririnig ko na ang kanyang pangalan lalo na sa larangan ng creative arts, at sa pahayagan ng JEEPNEY PRESS na natatangap namin sa simbahan ng Mikokoro Center. Sa araw din na yon, inalok ako ni Mr. Sun na magsulat sa JP sa pamamagitan ng isang kolum. Lumabas ang una kong kolum sa JP noong July-August na isyu, taong 2006. Tinanggap ko kaagad ang paanyaya, na ang nasa aking kalooban, ay makakatulong ako sa mga Pinoy na naninirahan dito sa Japan sa pamamagitan ng pagpapahayag, sa mga saloobin, sa kasalukuyang mga isyu na dapat bigyan ng pagkukuro-kuro, at para patuloy na magbigay ng inspirasyon sa mga kababayan. Bagama't hindi  ito ang una kong pagsusulat sa dyaryo, dito sa Japan nagsusulat din ako sa iba't-ibang mga pahayagan, iba ang aking pakiramdam na magtrabaho sa JP, dahil ang lumalabas sa aking mga artikulo ay totoo at nararamdaman at malaking pasasalamat ko dahil kahit papaano ay nakapagbibigay ako ng inspirasyon sa ating mga kababayan. Maraming salamat lalo na sa aking mga masugid na tagasubaybay lalo na ang napakaraming nagpapadala ng mensahe sa aking e-mail. Marami din ang nagtatanong tungkol sa akin, sa likod ng E-DESHOU, sino daw ba si Edward Labuguen?
 
     Nagmula ako sa Probinsiya ng Abra, sa maliit na bayan ng La Paz. Purong Ilokano, kulay Ilokano ngunit hindi kuripot! I finished my elementary education at La Paz Central School, isang pampublikong paaralan, then my Secondary Education at the St. Joseph Seminary in the Capital Town, Bangued, Abra. Itinuloy ko ang aking pag-aaral sa San Pablo Major Seminary sa Baguio City sa kursong AB Philosophy, ngunit hindi ako siguro mapalad na magpatuloy sa pagpapari, lumipat ako sa St. Louis University, Baguio City at nagtapos ako sa kolehiyo taong 1989 kung saan nag-double major ako ng English Literature. Sa taon ding ito ako nagsimula na magsilbi bilang isang guro ng Queen of Peace High School sa mismong bayan na tinubuan ko, habang pinapalakad ko rin ang Parish Catechetical Formation. Pagkatapos ng dalawang taon, lumipat ako bilang kawani ng Pamahalaang Munisipal, bilang Kalihim ng Bayan hanggang 1997, at sinubukan ko ang larangan ng Pulitika. Ako ay naglingkod bilang isang tanyag na pulitiko ng bayan ng La Paz. Tapat at maayos na paglilingkod ang susi ko sa pulitika, ngunit nakita ko at naranasan ang dumi ng pulitika, kaya noong magkaroon ako pagkakataon na mapunta sa Japan sa tulong ng Ate ko, si Mrs. Gemma Miyagawa, sinunggaban ko ang oportunidad para mapalayo na rin ako sa dumi ng pulitika sa Abra, ngunit may pangako na babalikan ko pa rin ang mga naniniwala at umaasa sa aking paglilingkod, pagdating ng tamang panahon.
 
     Taong 2001 noong unang yapak ko sa Bansa ng Pagsikat ng Araw bilang isang guro. Nagtrabaho ako sa pagtuturo ng Ingles sa mga batang Hapon sa Smith School of English sa Nagoya City, hanggang nalipat-lipat ako ng iba't-ibang disenteng mga trabaho. Sa kasalukuyan ay pumapasok ako bilang kawani ng SINBI WORKS, LTD, isang malaking kumpanya na tumutulong sa mga Pinoy na makahanap ng maganda at disenteng trabaho, at nagpapapunta ng mga Pinoy na may dugong Hapon para mamuhay at magtrabaho dito sa Japan.
 
     Sa anim na taon ko na pamamalagi dito sa Japan, hindi lang ang aking kinikita ang mahalaga, kundi sa napakaraming karanasan na kailanman ay hindi na mabubura sa aking isipan. I have learned to appreciate the culture, tradition, lifestyle of the Japanese, same through with their customs and manners, lalo na ang pagiging magalang, palaging tama sa oras, masigasig at matiyagang magtrabaho. Bibitbitin ko ang mga karanasang ito kahit saanman ako mapunta.
 
     Sa aking edad na 38, hindi ako mapalad na makapag-asawa ngunit nabiyaan ako ng isang anak, si AYANA NICOLE LABUGUEN, sampung taong gulang at kasalukuyang nasa Grade VI, na inaalagaan ng pamilya ko sa Pilipinas. Siya at ang aking pamilya, ang nagsisilbing inspirasyon ko para magpatuloy na mabuhay, at magpursige na magtrabaho kahit paminsan minsan ang buhay ay puno ng pighati at suliranin. Para sa akin, ang susi ng TAGUMPAY ng isang tao ay hindi sa pera o materyal na karangyaan lamang nasusukat, kundi mas gugustuhin ko ang maayos at tahimik na pamumuhay. Pangalawa, gawing inspirasyon ang mga mahal sa buhay lalo na ang Pamilya at mga Kaibigan, na dapat magpapatatag sa yo sa oras ng pighati at pagsubok. Pangatlo at pinakamahalaga ay ang pagpapanatili ng pananampalataya sa Diyos at patuloy na pagsisilbi sa Kanya.
 
     BIlang isang ordinaryong tao, ang susi ng aking tinatamasang tagumpay ay dahil marunong akong matuto sa pagkakamali. At isang tagumpay para sa akin ay ang pagkakaroon ng maraming kaibigan na handa kong tulungan at handa rin akong tulungan sa mga oras ng pangangailangan. Dapat ay panatilihin ang buhay na puno ng PAGASA at PASASALAMAT. Ika nga "live a life full of hopes and full of gratitude." At hindi mahalaga sa akin kung hanggang kailan ako mabubuhay, ang mas mahalaga ay nabubuhay ako ngayon at paano ko isinasagawa ang aking buhay. Isang taon na po ako sa Jeepney Press, hindi na mahalaga sa akin kung hanggang kailan ako magsusulat, ang mahalaga ay sa ngayon nakakapagsulat ako para mabigyan kayo ng inspirasyon, na kailanman lahat ng aking naibahagi sa inyo sa E-DESHOU ay hindi na mabubura ng panahon, subalit patuloy na nakatatak sa inyong mga puso at isipan. Sa puntong ito, ipanababatid ko sa inyong lahat, sa kabuoan at mga kasama kong manunulat  ng Jeepney Press, lalo na kay Irene Kaneko, ang Publisher at kay  Dennis Sun sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin sa larangan na ito, na susuklian ko pa ng mas maayos na paglilingkod. Jeepney Press is my vocation, that I wish to continue for the service of others. At sa lahat ng mga masugid na tagasubaybay, maraming salamat po, at asahan ninyo na patuloy pa rin akong maglingkod sa inyo.

July-August 2007
MAPAGPALANG KAMAY NI FR. FERNANDO SUAREZ, CC  
      Narinig niyo na ba ang tungkol kay Fr. Fernando Suarez na nagtataglay ng mapagpalang kamay, na sa pamamagitan ng pananampalataya, at pakikiisa sa Banal na Misa ay nakapagpapagaling sa mga maysakit? Isang kamangha-manghang gawain at tunay ngang pinagpala, lalo na sa panahon natin ngayon, may isang tao na ginawang instrumento ng Maykapal, para tugunin ang mga daing natin, lalo na ang mga sakit na hindi na kaya ng mga doktor!
     Sino ba si Fr. Fernando? Siya po ay isang Filipino, tubo at ipinanganak sa Probinsiya ng Batangas. Siya ay nagtapos sa kursong Chemical Engineering, bago siya napunta sa Winnipeg, Canada noong 1995. At doon niya isinakatuparan ang ambisyong maging alagad ng Diyos, at noong 1997, nakisama siya sa Companions of the Cross, isang relihiyosong komunidad ng kaparian at seminarista na itinatag noong 1985 ni Rev. Fr. Robert Bedard sa Ottawa, Canada. Siya ay naordenahang bilang isang ganap na Paring Katoliko sa Order ng Companions of the Cross, noong 2002.
     Mula sa kanyang kabataan, mula sa edad na 16, nagumpisang gamitin siya ng Panginoon, sa pagdamay sa mga taong nangangailangan. Dito nagumpisa ang kakayahan niya, na sa pamamagitan ng pagdasal sa mga maysakit, ay napapagaling ang kanilang mga karamdaman. Noong una, ay nangangapa din si Fr. Suarez, na intindihin ang kakayahang ito, ngunit sa pagdaloy ng mga tao na maysakit, nakita ng mga ito ang mapagpalang kamay ni Hesus sa pamamagitan ni Fr. Fernando Suarez. Sa ngayon, libu-libong may mga karamdaman katulad ng kanser, paralitiko, diabetes, tumor, at marami pang iba, base na rin sa mga testimonya ay napapagaling ni Fr. Suarez.
     Simula sa pagkaordena niya bilang isang Paring Katoliko, mas naintindihan ni Fr. Suarez ang kakayahang ito na manggamot. "Hindi ako, ni hindi ko alam kung paano nangyayari, at bakit maraming napapagaling, ang alam ko lang, ang Panginoong Diyos ang gumagawa nito," saad ni Fr. Suarez.
     Noong unang taon niya sa kaparian, siya ay naging Associate Pastor ng St. Timothy's Parish ng Ontario, Canada, ngunit noong July, 2003, nabigyan siya ng bagong gawain sa komunidad, ang pag-aalay ng Healing masses, retreats at missions, na kung saan dagsa ang tao, na nagmumula pa sa iba't-ibang panig ng daigdig.  Noong July 2006, sa pamamagitan ng gawain ni Fr. Suarez, nakapagtatag siya ng simulain, ang Mary, Mother of the Poor Foundation na naglalayon na tumulong sa mga taong kapus-palad sa Pilipinas.   Sa ngayon, may 2000 batang inaaruga at pinapakain, na aabot sa 140 na pamilya, 25 ang matatanda, 50 ang iskolar at 6 na seminarista. Nakapagbibigay na rin ang Foundation ng mga medical missions, nakapagpatayo ng mga bahay at mga silid-aralan, at marami pang nakabinbin na mga proyekto. Nangyayari lahat ito, sa mga tulong at donasyon na natatangap ni Fr. Suarez sa mga healing masses at retreats na kanyang ibinibigay. Kasalukuyang ginagawa ngayon ang Center for Mary, Mother of the Poor Foundation na matatagpuan sa Batangas, kung saang matatagpuan ang kapilya, Rosary at The Way of the Cross Gardens, Retreat Hall, Meditation Room, at mga lugar kung saan inaaruga at pinapakain ang mga kapus-palad sa Pilipinas.
     Si Fr. Fernando Suarez, ay pupunta sa Japan para tugunan din ang hiling ng mga kababayan nating Pinoy na nangangailangan sa mapagpalang Kamay ni Hesus. Naimbitahan si Fr. Suarez dito sa Japan sa pamamagitan ng Asia-Japan Tomo No Kai, isang organisasyon ng mga Pinoy sa Minokamo City na pinangungunahan ng Presidente na si Madam Keren Tsuchida. Gaganapin ang Healing Mass sa Agosto 14, 2007 dito sa TAJIMI CATHOLIC CHURCH, Tajimi City, Gifu Prefecture, alas 10:00 ng umaga. At sa Agosto 15, 2007 naman ay lilipat si Fr. Suarez sa Tokyo City at gaganapin din ang healing mass sa Koiwa Catholic Church, Tokyo City, alas 10:00 AM. Ang mga contact persons natin sa Tokyo ay sina Madam Susan Tanaka at Madam Glenda Kamai, at lahat ng mga volunteers natin sa Koiwa Catholic Church. Pinapaalahanan lang na ang lahat na nangangailangan ng tulong ni Fr. Suarez, ay kailangang makiisa sa banal na misa. Katulad ng sinabi ni Fr. Jeff Shannon, CC, kasama ni Fr. Suarez sa serbisyo, "Fr. Fernando Suarez only prays with people after the celebration of a healing mass. It is in the REAL PRESENCE OF JESUS IN THE EUCHARIST who heals and He is just using Fr. Fernando's hands to heal the sick and the broken hearted. That is why he discourages people coming to him seeking healing outside of the context of the Holy Mass.
     "The Healing Ministry of Fr. Fernando Suarez, CC, is just beginning and he truly does it for the Lord. He is a humble man with much wisdom from the Holy Spirit and He does diligently in the vineyard of the Lord" says Fr. Shannon. And indeed, we in Japan with hundreds of Filipinos, are truly blessed to have him here and experience and share with him his ministry as we pray that God will continue to use him in greater ways to help light a brighter fire in our hearts and in the world that is so desperately seeking the Love of Jesus in their lives.
     Welcome Fr. Fernando Suarez and party, it is a blessing from God having you here in Japan!
     Muli, inaanyayahan namin kayong lahat na makiisa sa gawain na ito, ipaalam sa mga kaibigan natin lalo na yong may mga malubhang karamdaman, na makiisa sa okasyong ito. Sa karagdagang inpormasyon, email at fujiokeren@yahoo.com, o tumawag sa telepono bilang 0575-22-5365, 090-7433-8118, 090-2921-9004 at para sa karagdagang impormasyong tungkol kay Fr. Suarez, mag log on sa http://www.fatherfernando.com


May-June 2007
NANAY, TATAY MARAMING SALAMAT PO!

Karamihan sa ating mga Pinoy ay nagbibigay ng halaga sa mga importanteng araw sa ating mga buhay, katulad ng kaarawan, Pasko, Anibersaryo, Semana Santa, at marami pang iba. Datapuwa't, marami rin sa atin ang nakakalimot na mahalaga rin ang araw, para sa ating mga NANAY at TATAY. Ang araw ng mga Nanay, ay ginugunita tuwing ikalawang lingo ng Mayo, at ang araw naman ng mga Tatay ay ginugunita sa ikalawang lingo ng Hunyo. Napakahalaga sa akin ang mga araw na ito, bilang pagpupugay at pagbibigay ng taos-pusong pasasalamat sa ating mga magulang. Dapat nating isipin na kung wala sila, hindi tayo naging tao, at higit sa lahat, wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon. Marami tayong dapat ipasalamat sa kanila, at lalo na, nararapat lang na bigyan natin sila ng labis-labis na pagpupugay, respeto at pagpapahalaga. Our parents are the truest friends we have, when trials, heavy and sudden fall upon us; when adversity takes the place of prosperity, when friends who rejoice with us in sunshine, but desert us when troubles thicken around us, still our parents cling to us, and endeavour by their kind precepts and counsels to dissipitate the clouds of darkness, and cause peace to return to our hearts. Ang magulang ay magulang, na labis na nagmamahal sa mga anak.
   Sa mga araw na ito nararapat lang na maalala natin ang ating mga NANAY at TATAY, buhay man o patay na sila. Sa aming mga magkakapatid, pito kaming magkakapatid (sa awa ng Diyos ay nakapagtapos kaming lahat at may mga magandang trabaho) ay hindi namin nakakalimutan ang mga araw na ito. Kahit lahat na kami ay nasa ibang bansa na, kung hindi kami makakabakasyon sa mga araw na iyon, gumagawa kami ng kanya-kanyang paraan para maipadama namin ang aming pagbati. Ang pagalala sa kanila ay hindi naman mahalaga ang regalo na nabibili, ang higit na mahalaga, ay mabati sila, at higit sa lahat ay maipamalas natin ang ating pagmamahal, paggalang at pagpupugay. Sa anong paraan natin ito maipapamalas sa kanila? Kung malayo man tayo, pwede natin silang tawagan, o padalhan ng simpleng card, o sulat, at kung may pagkakataon ay umuwi para personal na mabati. Sa may mga kaya, ay pwede namang padalhan ng pera, o regalo o bigyan ng malaking party. Ngunit ang mahalaga sa lahat, ay maalala natin sila, at kahit sa mga araw lang na yon, tumingala tayo sa Taas, at taos-pusong magpasalamat sa Diyos, sa pagbibigay sa atin ng mga magulang, at sana ipagdasal na rin natin ang kanilang magandang kalusugan, mahaba pang buhay at para mailigtas sila sa sakuna.
   My father and mother broke the bread into fragments, and gave to us their children to their eagerness. I realized, that nothing has been left for them, I asked myself, are they not hungry? As I looked at them, I knew that nothing for them, not because they are not hungry, but because they are PARENTS. Dito natin makikita kung anong klaseng pagmamahal ang pwedeng ibigay ng magulang sa mga anak, at kung anong sakripisyo ang kailangan nilang pagdaanan. Sa akin, alam ko ang sakripisyo at pagmamahal ng aking mga magulang. Kahit hirap kami noon sa buhay, ay hindi ito hadlang sa kanila upang mapalaki kaming maayos. Naigapang kami sa aming pagaaral, na sinuklian naman namin ng determinasyon, at kasama sa pagpapalaki sa amin ang mga mabuting asal, na siyang nagsilbing gabay namin sa pakikibaka sa mga napakaraming unos na dumadating sa aming buhay.
   Ano ba para sa atin ang magulang? Bakit pinag-aksayahan ng Diyos na sila ay likhain? Dahil ang mga Nanay at Tatay ay hindi pwede palitan, ang Nanay na pwedeng kandungin ang tatlong anak sa kanyang baywang, ang TATAY na halos kainin ang sariling pawis sa pagtratrabaho. Ang Nanay, na may pambihirang halik sa mga anak, na nagpapawala ng kirot, at ang Tatay na hindi lamang dalawang pares ang kamay, kundi anim na pares, na kayang magtrabaho para lang masuportahan ang pamilya. Ang Nanay, na hindi lamang dalawang pares ang mata kundi tatlo. Ang unang pares, ay nakatingin sa mga anak, to see through the closed door as she asks her children what they are doing even though she already knows. Yong isang pares ng mata sa likod ng ulo, are to see what she needs to know even though no one thinks she can. At yong panghuling pares ng mata ay para naman sa mga erring children and saying that she understands and loves him or her without even saying a single word. Ang Tatay na nilikha ng Diyos na malapit sa kanyang puso, dahil alam ng Diyos na kaya nitong magpakain ng hanggang pitong anak, at maigapang ang pamilya para mabuhay. Ang Nanay na nalikha, na kahit malambot ay matatag. The Lord says, Yes, a mother is soft, but I also made her tough. You have no idea what she can endure or accomplish. Not only she be able to think, she will be able to reason and negotiate. A mother who knows how to cry, but those tears are her way of expressing her joy, her sorrow, her disappointment, her pain, her loneliness, her grief, and her pride. Truly God is genius, He made our parents, created all things well... Parents are truly amazing!
   Sa aking Nanay, Mrs. Enriqueta Labuguen, isang retiradong guro, mabait, mapagmahal at mapagpakumbaba, nais ko at ang aking mga kapatid na iparating sa yo ang labis naming pasasalamat sa iyo sa lahat na nagawa at gagawin pa sa aming buhay. At sa aming Tatay, ang pumanaw na, Mr. Pedro Labuguen kahit wala na sa piling namin, ay patuloy na nakaukit sa aming puso ang napakaraming magagandang alaala sa aming mga puso. Salamat po sa inyo.
   At sa lahat ng mga NANAY at TATAY, "Happy Mothers' Day at Father's Day" po sa inyong lahat. Kasama ang pagbating ito ang aking panalangin para sa inyong lahat, sa mas maraming biyaya at magandang kalusugan. Binabati ko ang mga naging Nanay at Tatay ko sa Japan, na napakalaki ang naitulong nila sa akin, lalo na kay MAMA TERESA RAMOS, MAMA AMPIE UMALI, MAMA ERIE, MASTER EDU, AT LALO NA KAY MOMMY EVANGELINE OHWAKI ng SINBI WORKS LTD., na nagbigay sa akin ng panibagong liwanag sa buhay na magpatuloy para makamtan ang aking mithing pangarap. Binabati ko rin ang mga kaibigan kong mga tatay at nanay na: VIC LABUGUEN, GLADYS ALCALDE, SUZETTE KOZUKA, SAM FLORES, CHARLIE SUPNET, CLARENCE AGPAWA, VAL PATROCINIO, ARNEL CENDANA, MARIVIC SUGITA, SEIJI HOSHIKAWA, JULIET DAVIS, DONG CRISOSTOMO, LOVELY ROMAILA, AT LALO NA ANG MABAIT KONG TATAY SA JAPAN, SI MR. KAZUHIRO OHWAKI.



March-April 2007

TIBAY AT LAKAS NG LOOB
Marami sa ating mga migranteng Pinoy sa Japan ang masasabing may katangiang tibay at lakas ng loob. Ito ay dahil nagtataglay tayo ng katangian na kayang paglabanan ang samu't-saring hirap, sakripisyo at mga pagsubok. Handa nating harapin ito na taglay ang tibay at lakas ng loob para lang matulungan ang mga pamilya nating nasa Pilipinas. True strength lies in submission which permits one to dedicate his life, through devotions to something beyond himself. Kung minsan talaga, nakakaligtaan na natin ang ating mga sarili para lang matustosan ang mga pangangailangan ng ating mga mahal sa buhay.
 
     Nakilala at napanood natin si POTENCIANO MAGTANGGOL, sa pagganap ng guapong si Richard Gutierez bilang CAPTAIN BARBEL. Ang kanyang katangian may lakas at loob, mabait, matulungin at mapagmahal ang siyang nagbigay ng labis-labis na inspirasyon sa atin. Totoo ngang naaliw tayo sa panonood sa telepantasyang ito, ngunit sa mas malalim na dahilan, nakikita natin ang ating mga sarili sa katauhan niya. Bilang isang manggagawang Pinoy sa Japan, tayo din ay palaging nahaharap sa maraming sakripisyo dahil sa hirap at lalo na ang pangungulila natin sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Itinuro sa atin ni CAPTAIN BARBEL, bilang mga migrante ay dapat tayong may tibay at lakas ng loob. May mga pagkakataon din na nasasagad ang ating tibay at lakas ng loob dahil sa dami ng suliranin na ating pinagdadaanan. Pero katulad ng sinabi ni Walter Elliot, "perseverance is not a long race; it is many short races one after another." At kailangan nating tandaan na ang problema ay hindi "stop sign" kundi "guidelines". Magsisilbi ang mga ito na magpapatatag sa ating loob na magpatuloy na makibaka sa lahat ng pagsubok sa buhay. At kahit na minsan, ang mundo na ang nagsasabing, "give up!", kailangang tandaan na sa kaibuturan ng ating puso ay may pag-asa na bumubulong, "try it one more time". Sa buhay kailangan nating dagdagan ang ating tibay at lakas ng loob. Perseverance gives power to weakness, and opens to poverty the world's wealth. It speaks fertility over the barren landscape, and buds the choicest flowers and fruits spring up and flourish in the desert abode of thorns. At katulad ng sinabi ni Samuel Johnson, "few things are impossible to diligence and skill. Great works are performed not by strength, but perseverance."
 
     Alam ko, na sa paglalakbay natin sa ating mga buhay dito sa Japan, kahit saan, bilang entertainers, factory o trainee workers, construction workers, karpintero man o inhinyero o guro, yobikomi man o waiters, o kahit na ano na malinis ang hanapbuhay, at iisa ang hangarin na makapag-ipon at makatulong sa pamilya, ay marami pa rin tayong pagdadaanan na pagsubok. We must remember that we become strong by defying defeat and by turning loss into gain and failure to success. And we must remember that success should not only be our main goal. Try not to become not only a man of success but rather to become also a man of value.
 
     Hindi man kasing-kisig o kasing-guapo ni Richard Gutierez ang nakikita ninyong bagong CAPTAIN BARBEL ng mga manggagawang Pinoy sa Japan, bayaan ninyong patuloy akong magbigay ng inspirasyon, lakas at tibay ng loob sa inyong lahat. Alam ko na hindi nating kailangan ang SUPERPOWER para maging SUPERHERO, dahil para sa mga mahal natin sa buhay, tayo ay natatanging bayani sa kanilang mga puso. Remember that a HERO is an ordinary individual just like us who finds strength to persevere and endure inspite of overwhelming obstacles. Mabuhay kayo migranteng Pinoy, mga bagong Captain Barbel at Superhero ng ating panahon!
 
     Sa pamamagitan ng kolum na ito, ipinaaabot ko ang aking pagbati kay Mr. Albert Candelaria ng Rizal sa pagkapasa niya sa Nursing Board Exams, at para kay Paul Giovanni Baysa ng Quezon Province sa pagtatapos nya ngayong Marso sa Nursing, congratulations! Binabati ko rin ang scholar nating si Noel Peter Tan sa graduate school sa Oita-Ken, keep up the good works! Kay Creson Martesio, magpursige sa pagtratrabaho at makakamtan mo rin ang minimithi mo. At higit sa lahat sa mabait kong kaibigan at no. 1 avid fan ng JP, si ate Imelda Marisol Watanabe ng Nagoya City, maraming salamat ate sa lahat lahat. Binabati ko rin si Pare Marlon at asawa niyang si Mare Cecille, saka si Oscar at May, Sacho Tage Abe at pamilya niya, Ate Feliza Baba, at lahat ng tagasubaybay ng kolum na ito, maraming salamat po.


November-December 2006 issue

PASKO NA SINTA KO!    
Kung nasa Pilipinas tayo, sigurado ako na pagtuntong palang ng buwan ng Setyembre, maririnig na natin sa mga himpilan ng radyo, o pinapatugtog na sa mga bahay, o kinakanta na ng mga magbabarkada, ang himig ng pasko. Kasabay na rin ang pagdama sa hanging amihan, lumalamig na ang simoy ng hangin. "Ang pasko ay sumapit..."  Pasko na nga kababayan!  Para sa ating lahat, ang pasko ay masaya, maraming regalo at pagkain, at bakit hindi kasi sa pasko marami tayong natatangap na regalo at maraming masasarap na pagkain. Naalala ko tuloy ang masayang pasko sa bayang aking pinaggalingan. Pasko sa Nayon, sa pusod ng Ilokandia, sa bayan ng La Paz, Lalawigan ng Abra. Kahit nangunguna sa listahan ng mga Lalawigan sa buong Pilipinas ang Abra, marami sa atin ang hindi nakakaalam kung nasaan ito. Ang maliit na lalawigan ng Abra na may 27 na Bayan na kinabibilangan ng La Paz kung saan ako ipinanganak ay matatagpuan sa gitna ng tinatawag na Ilocos Region. Napapagitan ito ng Lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte at ang Cagayan Valley. Nagugunita ko pa ang masasayang pasko sa payak na lugar katulad ng aking bayang tinubuan, kahit limang taon na akong dito sa Japan nagpapasko, walang gaanong saya! Nagugunita ko pa ang masayang samahan sa pagdalo ng simbang gabi, magkakasama ang buong pamilya at magkakaibigan. At lalo na sa bisperas ng Pasko, kahit payak ang pamumuhay pilit pa ring naghahanda para sa masayang salu-salo sa hapagkainan pagkatapos ng simba ng hatinggabi. At ang palitan ng regalo na hindi katulad ng mararangyang pamilya na nagbibigayan ng mga mahal na regalo tulad ng damit, alahas, sapatos at iba pa, sa amin ay masaya na kaming nakakatanggap ng gulay, prutas, at kahit manok o isda. Masaya kahit hindi kasinsarap ang mga pagkain sa lamesa ng mga mayayaman. Kuntento na ang aking mga kababayan sa sama-samang pagbayo ng lubi-lubi (linupak na saging na may lutong malagkit, asukal, at niyog) o sama-samang pagluto ng minatamis na ginataan (may saging na saba, malagkit, kamote, langka, sago,atbp) o kahit arrozcaldo na pagsasaluhan ng mga magkakapitbahay. Masaya din ang pasko dahil ito lang ang pagkakataon din na magkikita-kita ang mga magkakapamilya at magkakaibigan.
 
     Ngunit, ano ba ang tunay na kahulugan ng Pasko maliban sa regalo, kasayahan at pagtitipon ng magkakapamilya at magkakaibigan? Ang Pasko ay paggunita sa kapanganakan ni Kristo na siyang tumubos sa atin. Ang paggunita sa mahalagang araw na ito, para sa akin ay dapat sa panahon ding ito, ay gunitain at sariwain din natin ang ating mga buhay. It should be a time of the year, when we must look back and reflect on our life, and draw insights of what had happened, our failures that will give us strength, and our successes that will inspire us, as we go on. Sa nagdaang taon ng aking buhay, ano ba ang mga nangyari? Ano ang aking mga nagawang pagkakamali? Kabiguan? Hinagpis? Alin ang mga nagbigay sa akin ng lubos na kasayahan? Kailangan di nating balikan ang mga yon. Ang mga hinagpis, at kabiguan ay kasama sa buhay. sabi nga, "when God put tears into your eyes, He does not mean that He wants you to just cry, but He also want to put a rainbow into your heart." And we must remember that life is not finished when we encounter those pains and failures, because those are only trials; but life is finished if we quit. Magandang balikan kahit ang mga naging kasawian natin sa buhay, dahil ito rin ang magtuturo sa atin sa tamang hakbang na magpatuloy para mabuhay. Maganda ring balikan ang oportunidad na nakamtan lalo na ang mga napalampas, para alam na natin ang susunod na gagawin natin. Ang diwa ng Pasko, pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatatag ng ating pananampalataya sa Diyos, at pagpapabuti ng ating buhay. At sa masasayang araw na ito, tumingin din tayo sa itaas na puno ng pasasalamat sa Diyos na lumikha sa atin. "Salamat Panginoon, matatapos na naman ang taon na ito, at minsan ay gugunitain na naman namin ang selebrasyon ng Iyong pagtubos sa sanlibutan na dapat magpatatag sa aming pananampalataya sa Iyo, at patuloy na magbibigay sa amin ng pagasa na magpatuloy na mabuhay sa gitna ng napakaraming unos na pinagdadaanan namin." Dapat alalahanin na ang mga nakaraang hinagpis at unos sa buhay ay magsilbing magpapatatag sa atin at ang mga saya at tagumpay ang patuloy na magbibigay sa atin ng inspirasyon habang nabubuhay sa mundong ito.  Kababayan, hindi man katulad sa Pilipinas ang saya na hatid ng Pasko natin dito sa Japan, hangad ko po ang kaligayahan nating lahat sa Paskong ito at ipinagdadasalko ang mas masaganang Bagong Taon! Merry Christmas po at Happy New Year! Sa aking mga kababayang Ilokano, "Naragsak a Paskuayo amin, kakailian ken sapay koma ta napinpintas ken nabungbunga ti Baro a Taoen tayo amin!




September-October 2006 Issue

Hindi lingid sa ating kaalaman, na malaki ang bilang ng manggagawang Pilipino sa Japan ang walang kaukulang visa. Ang bansag natin ay TNT o tago-ng-tago, dahil takot na mahuli ng pulis o ang immigration. Dito sa Japan, mas kilala sa tawag na "bilog" o walang "bala". Paano ba nagkakaroon ng paglaki ng bilang ng bilog dito sa bansang Japan, kahit na sa nakaraan ay humigpit masyado ang batas ng immigration ukol sa mga walang dukomentong dayuhan? Isa sa mga kasagutan marahil ay dala ng kahirapan ng ating bansang Pilipinas. Dahil sa tuloy na kahirapan sa Pinas, naiisipan ng maraming Pinoy ang mangibang bansa sa kahit na anumang paraan. "Kapit sa patalim," ika nga. May kakilala akong Pinoy na mapalad na nakapunta ng Japan sa pag-imbita sa kanya ng kanyang ate na nakapag-asawa na ng Hapon. Isang buwan ang ibinigay na visa sa kanya, pero hanggang ngayon andito pa siya. Ang sagot niya sa akin, "andito na ako, bahala na, makipagsapalaran na lang ako dito kaysa umuwi sa Pinas na wala namang kinabukasan." Marami ang nakakapasok pa rin sa Japan kahit na mahigpit na ngayon ang Embahada ng Japan sa Pilipinas sa pagbibigay ng visa lalo na sa mga turista. Kung dati, tatlong buwan ang ibinibigay, ngayon kung hindi denied, labing-limang araw na lang at marami pa ring kaso ng "A to A," o hanggang airport na lang at hindi na pinapapasok ng bansa at pinapauwi na agad pabalik ng bansa. Maliban diyan, sa mga nakaraan, nababalitaan natin na pusposan na ang paghuhuli sa mga bilog saan mang sulok ng Japan. Maraming mga omise, pati mga kaisha ang madalas na i-raid at marami na sa mga kababayan natin ang nahuli. Ang nakakalungkot pati mga mansion, o apartment ay pinapasok na rin. Kung noon, walang pakialam ang mga pulis sa mga dayuhan, ngayon kapag nakita ka kahit na wala kang ginagawang masama, at ikaw ay dayuhan, malaya na silang makapagsita. Hanga ako sa determinasion ng mga kababayan nating ito na kahit na mahirap ang sitwasyon na sinusuong nila, ay nagpupursige pa rin sila sa paghahanapbuhay para sa mga pamilya na umaasa sa kanila. I don't encourage naman coming to Japan para magbilog pero ang pagtuonan natin ng pansin ay ang realidad na nandito na tayo. Kailangan ang umayos ng mabuti. Minsan sa isang pagtitipon, isang kababayan ang nagtanong kung totoo ba na kapag nahuli ang isang bilog, hindi lang pagkabilanggo ang parusa kundi mayroon pa daw babayarang multa na aabot sa milyon-milyong pera. Ang sagot ng facilitator: "Habang hindi pa nahuhuli, magpursige sa paghahanapbuhay, magpakabait at

umayos ng mabuti para kapag nahuli, may maiuuwing pera."   Yan dapat gawin ng ating mga kababayan. Huwag nating intindihin ang kalagayan bilang isang bilog o TNT. Mahirap man ang dinadanas at ang katayuan, work hard and earn much para may katumbas ang pinaghihirapan para sa pag-uwi may magandang kinabukasan at hindi na katulad ng dati. Marami kasi sa mga kababayan natin na dahil umaani ng limpak-limpak na salapi ay parang wala lang kung gumastos, mag-inom at magsugal. Parang wala ng kinabukasan! May kakilala ako na naging kaibigan ko. Bilog siya ng mahigit labing-apat na taon. Malakas kumita dahil manager siya sa isang omise. Ngunit, araw-araw palaging lasing at nagpapasikat sa mga magagandang dilag na nakikilala niya, at kung hindi naman lasing ay laman siya sa mga pasugalan. Malaki man ang sinasahod, palagi namang nawawalan ng pera, kaliwa't kanan pa ang utang, at ang masaklap hindi man lang makapagpadala ng pera sa kaawa-awang pamilya sa Pilipinas. Noong nakaraan lang, nahuli siya. Ni pamasahe sa eroplano wala at kung walang tulong na nanggaling sa mga kaibigan at kakilala, hindi pa sana nakauwi sa Pilipinas. My point is, andito na tayo sa Japan na maraming oportunidad, legal man o bilog ay kailangan nating magtrabaho ng maayos, ipakita sa ating mga amo ang ating angking kakayahan at talino, at higit sa lahat mag-ipon ng marami. Gawin nating inspirasyon ang mga mahal natin sa buhay na gusto nating iahon sa kahirapan. Umaasa sila sa atin, at nangangailangan sila ng tulong mula sa atin. They should serve as our inspiration to work harder and earn more, that when the time comes, there will be no regrets, but instead we say, THANK YOU, Japan for the opportunities you have given me! BUHAY BILOG man, nakapagbibigay din ng BAGONG BUHAY!

Gusto kong batiin ang kapatid ko si Suzette Labuguen Kozuka sa kanyang kaarawan sa Set. 16, at ang mga kaibigan ko sina Jimboy Ueda, Set. 1, Mark Montaner Set. 14 at kay Rodelio Keyser Set. 23. Happy Birthday sa inyong lahat. Salamat din sa mga magagandang mungkahi mula kay Jessie Pudadera at ang magkapatid na Charleslie at Rennel Supnet.
 
Sa lahat ng sumusuporta sa Jeepney Press at sa kolum na ito, maraming salamat po! At kung may mungkahi kayo na gusto nating mapag-usapan sa kolum na ito, mangyari po lamang ay sumulat kayo dito sa JP o sa aking e-mail edwardlabuguen@yahoo.com at umasa kayong mabibigyan kayo ng kahalagahan.