AT YOUR CERVIX, DOC GINO


 e-mail your questions to:   gino510@yahoo.com

 

StemEnhance

Tanong (T): Dear Doc Gino, I know for sure na alam mo na ang nangyari about Francis Magalona, ikaw pa, di ka nahuhuli sa balita. I even searched this so called AML sa internet and the supposed blood stem cell transplant na suppose to be ay gagawin sa kanya this month.  A former classmate of mine in college introduce me this so called StemEnhance, wala pa nito dito sa Philippines, through networking ito.  Anyway, hindi naman tungkol sa networking ang subject ko. It has something to do with StemEnhance.  Breakthrough daw ito sa mga discoveries in medicine, pag sinerch mo siya, StemEnhance, gusto ko lang malaman opinion mo dito. Kung na introduce kaya ito noon pa, may pag asa kayang madugtungan ang life ni Francis? Nagpunta na dito last week yung Christian Drapeau, MSc, co-formulator nito, I was not able to attend the seminar kasi walang maiiwan dito sa house, alaga ko kasi ang mother ko, di siya puwede iwanan mag-isa.  Naitanong ko lang kasi sa iyo ito since doctor ka and mas na naiintidihan mo ito. Sana di kita naabala, thanks for the info and opinion. God Bless you.

Doc Gino (DG): I made a brief research before answering your questions. Admittedly, I am not an expert in stem cell research. We all heard so much ethical controversies about its embryonic applications.

 

According to StemEnhance's website http://www.enhance stemcellsnaturally.com/index. htm this new dietary supplement that was extracted from plants could replace and repair damaged cells in adults, children, and even in animals. In simpler terms, it is similar, but not the same, to the popular multivitamins or antioxidants.

 

Although not FDA approved because of it being a dietary supplement, a number of testimonials attest to its efficacy. In the future, a large scale research with thousands or millions of people who have used this new product should be conducted to see the beneficial and side effects, and adverse reac-tions. For people on anticoagu-lant therapy, its intake should be discussed first with his doctor. I am not sure whether Stem-Enhance would have saved Francis M's life. In the current medical practice, his condition would have been cured by more aggressive therapy such as transplantation.

 

Looking at it from another angle, the networking business approach should be interesting. If you ever have more information about it, let me know. Thank you.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rayuma (Gouty arthritis)

Tanong (T): Isang nag-aalab n pgbati ang nais kong ipaabot sau doc G sampu ng mga mahal m sa buhay. Ako po 47yrs old, 4 n taon k nang nararamdaman ang sakit kong ito pero nawawala rin. Nalaman k lang ng sumakit at akoy nagpa check-up nlaman k n ito pala ay sakit n GOUT. Ako p ay lubos n umaasa s aking mga tanong. Saan b ito nakukuha? Bakit b nagkakaroon nto? Ano b ang mga bawal dto? Ano b ang gamot dto? Ano b ang dapat gawin ng taong may sakit n ito? Maraming salamat po Doc G.


Doc Gino (DG): Ang "gout" ay isang uri ng sakit sa mga kasu-kasuan o "joints" na kung saan naiipon ang "crystal deposits" na ang tawag ay "uric acid" (UA). Kapag lumala ito, maaaring magkaroon ng bato sa loob ng "kidney" o di kaya ay masira ang "kidney."
Ang UA at ÒpurinesÓ na sanhi ng gout ay nakukuha mula sa mga pagkain tulad ng mga lamang loob (bituka, atay, atbp) ng mga baboy o baka, sardinas, tinapa, munggo, peas, etc. Kung kaya't mas makakabuting iwasan ang mga pagkaing nabanggit.
Ang pagtaas ng UA sa dugo ng isang tao ay kadalasang namamana na kung saan ang katawan ng tao ay mahina ang kakayahang magtanggal ang UA sa ihi. Ang "gout" at pagtaas ng UA sa dugo ay maaaring lumala kapag ang tao ay tumaba o maging "obese," "high blood pressure," pag-inom ng alak, "abnormal kidney function," at pag-inom ng ilang uri ng mga gamot.
Ang pag-atake ng sakit na "gout" ay sobrang pagkain at pag-inom ng alak, lagnat, "dehydration" at kapag naoperahan.
Upang maiwasan ang pag-atake ng sakit na "gout," gawin ang mga sumusunod: Uminom ng maraming tubig (mahigit 8 baso araw-araw lalo na kung tag-init); bawasan ang timbang; iwasan ang mga pagkaing nagdudulot ng pagtaas ng UA; iwasan ang pag-inom ng alak; uminom ng mga gamot upang mabawasan ang sakit, subali't kung hindi susundin ang mga nabanggit na payo, muling babalik ang pag atake ng sakit. Siguraduhing walang "allergy" sa mga gamot na ito.
1. Naproxen 500mg tablets: 1 tablet 3 x a day after meals, tuwing may atake ng sakit.
2. Colchicine 0.5mg tablets: 1 mg followed by 0.5 mg every 2 hours, para mabawasan ang pamamaga ng "joints."
3. Allopurinol 100mg tablets: 1 tablet 3 x a day, upang bumaba ang level ng UA sa dugo.


T: Lam mo Doc i did all advice that you gave simula noon ay hindi na sumakit ang aking mga joints, muli maraming salamat Doc. Salamat din po pala sa response mo sa e-mail ng anak ko na nasa Dubai. He told me na ok siya, x-ray blood test and others. Nalamigan at nainitan daw yung baga nya kaya nag suka siya ng dugo, but I am doubt doc normal lang ba yun? Pero simula noon ay hindi na naulit ang kanyang pagsuka. Advise ko nga
sa kanya mag bakasyon muna sa pinas, sa dec na lang daw. O sige Doc hanggang dito na lamang at maraming, maraming salamat.

 

Ovarian Cyst  (Bukol sa Obaryo)

Tanong: Hello po Doctor tanong ko lang po my mother is 49 years old last April 30 2008. My Mom diagnose at Alabang Medical na may mga bukol sya sa ovary at matres. The Doctor said na cancerus ito. The doctor said to my Mom na she need 7 test. Hindi kami nagpatest sa Alabang Med kasi masydo natakot ang mother ko sa sinabi na cancerus ito. We went another hospital near in QC and she had the test. The doctor told na madaming bukol ang ovary nya at matres kaylangan tangalin ang 2 ovary nya at matres. Ngayon po ay inoperahan sya pinakita po sa sister ko yung nakuha na mga bukol sa matres nya at sinabi ng doctor na 1% ang possible na cancerus ito at kailangan na mai-biopsy. Tanong ko po pwde nga po bang maging cancerus yun and what happen to my Mom if cancerus ang nakuhang bukol? At halimbawa nga po na cancerus ito magiging delikado po ba para sa mother ko? At ngayon wala na syang ovary at matres, delikado po ba para sa kanya. Marami po bang nakaka survive sa ganitong kaso? Thank you po. Sana masagot nyo po ang mga tanong ko. GOD BLESS YOU!!!


Doc Gino: Ayon sa mga dalubhasa, ang bawa't babae na may obaryo pa ay mayroong <2% Ôlifetime risk na magkaroon ng cancer (CA) ng obaryo. Ibig sabihin, kung tatanggalin ang epekto ng mga risk factors (kasalukuyang edad, personal at family history ng CA, edad kung kailan natapos na ang pagreregla o menopause, medication history, kung nagkaanak man o hindi), mababa sa 20 sa loob ng 1,000 na babae ay maaaring magkaroon nito.
Ang tsansang magkaroon ovarian CA ay nataas kung:
1. May kamag-anak na mayroong CA sa ovary, breast, uterus (matres), colon at rectum. Samakatwid, mainam na suriin ang inyong pamilya kung mayroon ng mga ito. Hindi lamang para sa iyong ina, para na rin sa iyo at ibang kamag-anak din.
2. Kung nagkaroon din ng mga nabanggit na CA, tumataas din ang tsansa na magkaroon ng ovarian CA.
3. Karamihan ng mga babaeng nagkaroon ng ovarian CA ay mahigit sa 55 taon gulang.
4. Ang hindi pagbubuntis ay isang risk factor din ng pagkakaroon ng ganitong uri ng CA.
5. Mataas ang tsansa ng ovarian CA sa mga babeng nainom ng mga gamot para sa menopause (estrogen without progesterone).
Maaaring walang kinalaman ang mga bilang 3 hanggang 5 ay para sa kaso ng iyong ina nguni't mabuting masuri na rin. Kung may risk factor man, hindi ibig sabihin nito ay siguradong makakaroon na ng CA. Kaya ang payo ng inyong doktor na ipa-histopath ang specimen ay makatutulong upang malaman kung CA man o hindi. Kung palarin man at benign (hindi CA) ang resulta, kailangan mag-hormonal treatment (estrogen with progesterone) ang iyong ina upang maiwasan ang side effects ng pagkawala ng estrogen dahil tinanggal ang kanyang mga obaryo. Ang mga side effects ay katulad ng sinto-mas ng meno-pause gaya ng hot/cold flashes, panunuyo ng pwerta, pagka-aburido, osteoporosis, etc.
Kung ang CA naman ang resulta, maaring mangailangan ng chemo at radiotherapy depende sa uri at stage ng CA. Sa paggagamot ng CA, kailangan ang ibayong suporta mula sa pamilya, kaibigan at mga manggagamot (gynecologic/medical/radiologic oncologists).
T: Ano po ang pwede kainin ng mother ko? Kakatapos lang po ng operation nya sa matres at ovary tinangal na po ito ano po kaya ang magandang pagkain para sa kanya para lumakas agad sya?
DG: Kahit ano naman ay maaari niyang kainin sa palagay ko. Pero mas makabubuti kung mas maraming prutas at gulay upang matulungan ang katawan na dumumi. Dahil bagong opera siya, kailangang huwag umiri kung kaya't kailangan niya ang mga ito para dumulas ang pagdumi. Salamat.


Breast cancer (Kanser sa suso)
Tanong(T): Ang kaibigan ko ay may "Stage 3 breast cancer". Ano ang palagay mo sa kaso niya?
Doc Gino (DG): Late stage na iyon.
T: Ano ang survival rate nya?
DG: Hindi nagbibigay ng taning ang inyong abang lingkod.
T: Ooops sorry. What I mean is...me pag asa pang tumagal?
DG: Mayroon kung sa meron. Ang mga cancer kasi kapag "advanced stage" na "poor prognosis" o hindi maganda ang kinalalabasan.
T: Mastectomy ba is inevitable?
DG: Malamang ay mangailangan ng "bilateral radical mastectomy with muscle resection and lymph node dissection plus radio- and chemotherapy". Iyan ang ginagawa sa mga "good candidates" para sa operasyon. Kasi kung hindi tatanggalin baka kumalat pa at maging "stage 4". Kung aggressive ang MD niya, marahil ay ooperahan siya.'
T: 4 years ago pinasalat nya sa kin yung bukol, told her to have it checked. Hindi pala nagpatingin. Last December na-discover kasi parang nanghina na siya. Now, she's having chemo. Nakakagulat nga na balita.
DG: Ilang taon na ba siya?
T: Ka edad ko sya. We will be turning 54 this year. Thing is ayaw nya paalam kasi ayaw niya pag usapan... Ayaw nya pag-usapan kasi daw affected ang heart nya sa stress? Totoo ba yun?
DG: Siyempre nasa denial stage pa siya dahil bagong balita pa lang.
T: My thoughts exactly, in denial sya.
DG: Give her a bit of time para matanggap niya at makapag-isip ng mabuti. Kailangan niya ng moral support ngayon. Kung pipilitin siya, baka lalong umayaw magpagamot. Just lend her ears when she wants to talk or share anything. Baka dumating din siya sa puntong kailanganin niya ang payo o isang taong makikinig.
T: Siyempre naman. I sent her a card and wrote her a letter. But I let her know that am praying for her.
DG: That's nice. The letter is a good gesture.
T: Salamat.
DG: Walang anuman

Urinary Tract Infection (UTI)
T: Kakatapos ko lng po ng menstruation ko. nag sex po kme after 5 days. Maskit po ang puson ko at balakang. Possible po kya un sa pagbubuntis? Ano po pede inumin para mgkaregla? Tnx po.
DG: Mas makabubuti kung bigyan mo ako ng kaunting detalye. Maaari mo bang ibigay ang mga sumusunod para masabi ko ng mabuti ang sagot sa iyong tanong? Petsa ng huling regla: mula anong petsa hanggang kailan? Petsa ng sinundang regla? Sa tuwing magkakaregla ka ba ay may nararamdaman kang pagsakit ng puson at balakang tulad ng nararamdaman mo ngayon? Binabalisawsaw ka ba ngayon? May sakit ka bang nararamdaman sa tuwing naihi?
Mas mainam kung hindi ka iinom ng kahit anong gamot hangga't hindi ka nakasisiguro kung ikaw ay buntis o hindi sapagka't kung sakaling uminom ka at ikaw pala ay buntis, maaaring makaapekto ang gamot sa iyong pagbu-buntis. At kung sakaling may ininom ka nang gamot na pamparegla, lalong kakapit ang sanggol kung sakaling nagbuntis ka nga. Mas mabuting hintayin mo na lang ang susunod na regla.
T: Ang huling regla ko po ay nung April 1 to 4 tos my ngyare po sa amin nung 5. Tuwing magkakaron po aq ay sumasakit po ang puson ko, Tos now lng po aq nakakarmdam ng pagsakit ng balakang, Pag umiihi po aq ay minsan masakit. Pero ang iniinom ko po n gamot ay herbal naman. May posibilidad pa din po ba na kumapit ang bata? Dapat po ay sa May 5 pa ulit ang dating ng regla ko. Natatakot lng po aq dahil medyo lumaki ang puson at tyan ko...Panu po kaya un?
DG: Kung katatapos lang ng iyong regla noong kayo ay magtalik, malamang ay hindi ka buntis. Makabubuting ipasuri mo ang iyong ihi upang malaman kung mayroon impkesiyon dito. Baka iyan ang dahilan ng pagsakit ng balakang at pag-ihi. Bukod dito, maaring magpa-"pregnancy test" kung sakaling hindi ka pa rin dinadatnan makalipas ang 5-8 linggo mula sa huling petsa ng regla. Walang kinalaman ang mga "herbal" na gamot sa pagbubuntis.

---------------------------------------------------------------------------------------------------
.


Sa kolum na ito, ating tatalakayin ang mga pang-araw-araw na karamdaman na maaaring dumapo kanino man. Ang mga katugunan sa inyong mga tanong ay magmumula sa isang maybahay at isang manggagamot. Nasa inyong pagpapasiya kung alin ang ibig ninyong sundin. Para sa inyong katanungan, maaring lumiham sa may akda sa email address na gino510@yahoo.com

Butas sa puso (Septal Defect)
Tanong (T): May QUESTION po ako. Ang pamangkin ko, who is 2 months old now, baby girl, pag naiyak na ngingitim. Then, one early am, nangitim na naman. Ang sabi gawa ng plema. Pero nung kinunan sya ng dugo for examination, d Dr. finds out na low blood ang pamangkin ko. Yan na po. Ang question ko, ano po ba ang dapat naming gawin?
Payo ni Doktor (PD): Kapag "cyanotic" o nangigitim ang bata kapag naiyak marahil ay meron siyang karamdaman sa puso.
T: Ok, ung kakulangan nya sa dugo?
PD: Hindi, ang kakulangan sa dugo ay tinatawag na "anemia." SubaliÕt kapag ang sanggol ay nangingitim tuwing naiyak maaaring mayroong butas ang kanyang puso na tinatawag na "ventricular septal defect." Kung magkaganoon, naghahalo yung "oxygenated" at "unoxygenated blood." Ito ang sanhi ng kanyang pangingitim.
T: Alam nyo po ung mother ng bata daw ganun din, kulang sa dugo.
PD: Ang "low red blood cell count" kasi ang manifestation niyan ay pamumutla at hindi pangigitim. Kaya sa tingin ko, dapat na ipa-ultrasound ang puso niya.
T: Ahh ok. Pero continuous nman daw nag vitamin nung pinag bubuntis yung baby.
PD: Nakakatutulong ang mga "multivitamins" at "iron supplements" para maiwasan ang "anemia" o pamumutla kapag buntis ang mga babae. Sa ganitong paraan ang sanggol na nasa sinapupunan niya ay hindi magiging "anemic" o maputla. NguniÕt ang mga gamot na ito ay hindi makakapagbigay-lunas kung ang sanggol ay may butas sa puso. Mas mabuti kung masuri siya ng isang Pediatric Cardiologist upang marinig ang "heart sounds" o tibok ng puso niya at mapa-ultrasound. Mayroong di pangkaraniwang tunog kasi sa puso kapag may VSD.
T: So, ang maipapayo mo sa amin ay mas makakabuti kung ipapa check up namin ung puso nya? What do u mean by VSD?
PD: Tama. "Ventricular Septal Defect." Iyon ang pangkaraniwang uri ng butas sa puso at marami pang iba. Balitaan mo na lamang ako kung anong mangyayari sa sanggol.
T: Ok. Salamat Dok.

Makikita sa larawang ito ang daloy at paghalo ng dugo sa butas ng puso. Ang paghalo ng oxygenated at unoxygenated blood ang nagiging sanhi ng cyanosis o pangingitim ng kulay tuwing naiyak ang mga sanggol.

Ovarian Newgrowth (Bukol sa Obaryo)
T: Helo Dok Gino. Nkita q poh forum o blog nyu tru searching ovary cyst sa Google. Sa totoo lng poh nddepress poh aq my dermoid cyst sa right ovary. Gusto poh ng Dok operahan aq. Pero di naman poh madalian kaya lng maz maaga daw poh maz mganda. Pero ayoko poh mg pa opera takot poh kc aq. may pg aza poh b mawala un cyst q.
PD: Maraming salamat sa iyong liham. Ang "dermoid cyst" ay dapat na operahan sapagka't maaaring magkaroon ng komplikasyon tulad ng paglaki, pagkapilipit o di kaya ay pagputok nito. Kung magkaganoon, magiging "emergency" ang sitwasyon at maaaring manganib ang buhay. Sa isang banda, mas mainam kung maoperahan agad upang maiwasan ang mga nabanggit na komplikasyon at malaman ng maaga kung magiging kanser ito. Sa kasalukuyan ay walang naiinom na gamot upang mawala ang "dermoid cyst."
T: Mazaya umaga poh Doc Gino. Mazaya po aq at sinagot nyo ang liham q. Sa totoo lng poh. Ayaw poh ng isip at katawan q mg paopera. Pkiramdam q kc di dun natatapos ang lahat. 2 taon po ang nkalipaz.ang una UTV exam q poh ovarian mass. Next day poh nun ng pa UTV po ule aq Benign keratoma 5.6 X 5.2 X 4.4 cm poh diagnos ng doctor. Ang sbi dapt poh tanggalin. Pero di q po iniisip seryoso un. Ngayon buwan poh ng marso 5.2008 search q po sa internet kung anu po un cyst q. Pkiramadam q matapos q malaman ang detalye mdyo seryoso poh yata ang csyt q. Ngpa uTV PO ULe aq dermoid cyst 5.7 X 5.1 X 4.9 cm. Nanghihina at natatakot po ako. Sana magkaron nang himala. Salamat poh ng marami sa inyo pgsagot...pagpalain poh kau ng Dios. Salamat poh talaga.
PD: Ang "dermoid cyst" o "teratoma" ay karaniwang hindi naman nagiging kanser. Umaabot sa 1-3% ng mga ganitong uri ng bukol ay maaring maging kanser. Ito ang uri ng bukol na kung saan may nakikitang ngipin, balat, buhok, buto, at nana. Makikita ang mga ito sa pamamagitan ng x-ray o CT scan. Ipagdasal natin na maging maayos ang iyong operasyon. Balitaan mo na lamang ako.
T: Helo mganda umaga poh Doc Gino. Ingat poh kau lage. Zobrang zaya q kc sinagot nyu email q. Ako po ay 31f taga Sta.Maria Bulacan Pilipinas. My 4 na poh aq anak. Tc. Poh.

Dermoid cyst: Ito ang itsura ng malaking dermoid cyst kapag binuksan. May laman itong buhok, ngipin, balat, buto, at nana.



Viral infection during pregnancy
Tanong (T): Haler! Ano ang parvovirus? Is it dangerous to pregnant women?
Payo ni Doktor (PD): Hello. Oo masamang viral infection iyan. It could cause pregnancy abnormalities for the mother and/or fetus.
T: The sister-in-law of my boss in Australia is pregnant as was diagnosed positive for parvovirus. Where could she possibly have gotten it? From animals?
PD: Oh I see. It may cause spontaneous abortion for the mom and anemia for the baby. She might have contracted it from somebody with parvovirus infection.
T: Can she be treated while pregnant? Will the treatment be safe for the fetus?
PD: She should be monitored with ultrasound. The baby might develop hydrops fetalis which is kind of severe. But not all with parvovirus infection will develop this abnormality.
T: Wats hydrops?
PD: Hydrops fetalis is an abnormal fetal growth. Parang balloon ang itsura niya. They usually die few hours after birth.
T: Yung malaki ang ulo?
PD: That is hydrocephalus you are talking about. Ang hydrops ay parang lobo ang buong katawan ng baby. Parang itlog nga eh. As in bilog siya.
T: So the baby may be born like a balloon?
PD: Possible. So, close monitoring with ultrasound and obstetric follow up are mandatory.
T: Cge thanks, I will tell my friend.
PD: But remember that not all with parvo infection will develop the disease. Just re-assure her that she must seek close follow-ups.
T: BTW, I forgot to congratulate you, journalist ka na pala, keep up the good writing tatapatan mo na si Ka Edong, hehehehe!!!!
PD: Hahaha salamat. Napakiusapan lang ako nung kaibigan ko na editor-in-chief nung Jeepney Press na mailathala ang mga kwento ko.
T: Wagiiii ka!!!!! I'm proud of you!!!!
PD: Salamat muli.

Dysmenorrhea (Masakit na pagreregla)
Tanong: Dok, kamusta po kau..ako 34yrs old may anak na po. Dok, itanung ku lng bkt tuwing rigla ko bkt masakit ang puson ko parang malalaglag nasa subrang sakt. Kya pag hnd ko na tlga kaya uminom nlng po ako ng gamot, at saka may malalaking mga dugo lumalabas po sya. Dok, bkt kaya ganun? Dok, anu po dapat kung gawin po? Dok, more power sa inyo. Maraming salamat po.
Sabi ni Nanay: Iha, ako muna ang sasagot sa iyo bago si Doktor, okay lang ba? Para que pa at kasama ako sa kolum na ito? Naririto ang mga pwede mong gawin sa bahay upang mabawasan ang pananakit ng iyong puson tuwing may buwanang dalaw.
1. Uminom ng mainit na tsaa o gatas. Maligo ng mainit na tubig. Maglagay ng mainit na tuwalya sa iyong puson. Ang paglalagay ng mainit na tuwalya sa puson 12 oras sa loob ng 2 araw ay makakapagbigay ginhawa.
2. Mag-ehersisyo o maglakad ng mabilis (brisk walking) araw-araw. Bihira sa mga babaeng atleta ang may dysmenorrhea.
3. Imasahe ng marahan ang puson.
4. Kumain ng isda at gulay. Iwasan ang pagkain ng asin o maaalat. Ang omega-3 fatty acids ng mga isda ay makakabawas ng pananakit ng puson. Ang pagkain ng mga gulay na mayaman sa ‘fiber’ ay makatutulong upang umikli ang araw ng pagreregla. Mababawasan ang pagmamanas sa pagkain ng gulay at pag-iwas sa asin.
5. Yoga at meditation. Nakaka-relax ng kasukasuan ang yoga.
6. Ang pakikipagtalik sa asawa ay makakabawas ng pananakit.
7. Magpasuri sa iyong doktor.
Payo ni Doktor: Maraming salamat sa iyong liham. Ang pananakit ng puson sa tuwing may regla ay tinatawag sa medisina na 'dysmenorrhea'. Ito ay nangyayari sa 40-70% ng mga babaeng may regla. 10% ng mga ito ay maaaring makaramdam ng sobrang pananakit na maaaring makaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
 
Ayon sa iyo, bukod sa pananakit mayroon ding kasamang pagdurugo. Kinakailangang masuri ka ng isang ‘gynecologist’ (sanfujinka sa wikang Hapon) upang malaman kung ang iyong karamdaman ay 'endometriosis' o 'myoma'.
 
Ang 'endometriosis' ay isang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng pagreregla sa labas ng matres (o bahay bata). Ito ay maaaring magdulot ng ibayong pananakit sa puson, likod, hita at kung saan-saan pang bahagi ng katawan. Maari rin itong magdulot ng lubhang pagdurugo (‘blood clots’).
 
Ang 'myoma' naman ay mga bukol na maaaring tumubo sa matres. Ang mga bukol na ito ay karaniwang hindi naman nagiging 'cancer' subalit pwedeng lumaki ng sobra at magdulot ng pananakit at paglakas ng regla. 20% ng mga babae ay maaaring magkaroon nito.
 
Bukod sa 'pelvic examination', 'pregnancy test' (upang masiguradong hindi ka buntis), kailangang masuri ang iyong dugo at ‘ultrasound’ ng iyong matres at obaryo (‘pelvic ultrasound’). Malalaman sa mga eksaminasyon na nabanggit kung ano ang magiging lunas na nararapat sa iyo.
 
Pansamantala, maaari kang uminom ng mga 'non-steroidal inflammatory agents' (NSAIDS) tulad ng ‘mefenamic acid’ o di kaya ay ‘ibuprofen’ (full prescription withheld). Siguraduhing wala kang 'allergy' sa mga gamot na nabanggit. Balitaan mo na lamang ako kung ano ang resulta ng mga pagsusulit.
Tanong: Dok, maraming salamat po. Magpapatngin nlng po ako d2. Peru mga gamot na cnasabi mo hnd kopo mabibili kasi wla po ako sa pinas ngaun, peru mayron pong pang rigla na iniinom ako. Ok naman po sya sa tingin ko. Maraming salamat po at God bless alwys
Payo ni Doktor: Walang anuman. Ingat lagi.

----------------------

Peri-menopausal bleeding
Tanong (T): Nag-irregular bleeding ako for 2 weeks. 
Payo ni Doktor (PD): Your age, please?
T: 53 yrs old. I have been diagnosed with fibroids, delikado ba yun? Sabi thick daw yung uterus ko pero ok naman daw yung cervix. Kailangan ko raw ng biopsy. May urgency ba yan?
PD: What are the measurements of the fibroids and how thick is the uterine lining?
T: Here is the result of the ultrasound. The uterus measures 7.8 x 4.8 x 5.7 cm. There is a diffuse involvement of the myometrium. Innumerable small fibroids are noted scattered throughout. The endometrial echo complex is abnormally thickened at 1.2 cm with a heterogenous appearance. The left ovary demonstrates a 2.2 cm predominantly simple appearing cyst. The right ovary appears unremarkable. Note is made of a possible subseptate configuration of the uterine fundus.
PD: It seems that there are benign (non-cancerous) masses within the flesh of your womb. These masses usually disappear with menopause. Both ovaries seem to be normal. The cyst on the left ovary appears to be a normal cyclic pattern.
T:  Good news!

PD: What I am concerned is the thickened endometrial lining that usually should be less than 1 cm in thickness and should appear as homogenous. The abnormal bleeding that you may have experienced reflects this scenario.
T: Makapal ba sobra? Cause for alarm ba?
PD: Hindi naman. The next steps that I suggest are the following: Endoscopy with biopsy to visualize the inner lining of your uterus. The pelvic endoscopy will give a clue whether there is any sign of malignancy or whatever.
T: Ano meaning ng homogenous?
PD: Homogenous appearance means that the inner lining should have uniform appearance. A heterogeneous appearance may mean, but not always, malignancy.
T: Sabi ng doktor ko i-D&C daw ako, tama ba yun?
PD: D&C alone is okay, but with the availability of endoscopy, it should be better since a D&C is a blind procedure and may miss out focal and suspicious areas.
T: Ergo??? Kailangan ko ng endoscopy?
PD: It is better.
T: Ano baga yung endoscopy?
PD: Parang telescope na pinapasok sa katawan ng tao. When performed, the patient needs to be under anesthetics.

T: Under anesthetic nga daw ako eh. Pero no cause for alarm di ba?
PD: Yes, when you will undergo D&C. Considering your age and habitus, there will always be a slight risk.
T: Pwede ko bang i-postpone yang procedure next year?
PD: Better now than later, I think.
T: Sa Nov. 7 ako naka- schedule eh. Iyan din sabi ng asawa ko.
PD: What u will undergo is just a diagnostic procedure. The histopathology results will guide the succeeding steps to be performed.
T: Para nga lang ma- diagnose daw to rule out cancer. Ano ang worst case scenario?
PD: When the results are suspicious of malignancy (cancer=CA), hysterectomy or removal of the uterus has to be performed.
T: Oo nga, tatangalin daw ang uterus. When that happens, sabi pati daw ovaries pa tanggal ko na, tama ba?
PD: Depending on the extent of CA spread and degree of malignancy, additional therapy in the form of radiotherapy and/or chemotherapy may be necessary. Yes, the ovaries should be removed because they will be of no use to you anyway.
T: Mismo! Di naman na ako mag-aanak! Di ba kuha sa gamutan yan? Walang tanggalan?
PD: Kailangan tanggalin kasi kung confirmed CA na.
T: Kasi di naman ganun ka significant yung size di ba? Kung CA nga, pero kung hindi? Di ba pwedeng gamutan na lang para lumiit o mawala yung fibroids?
PD: That is why we need to confirm by biopsy. Size is not that important. The more important thing is the appearance of the tissue under the microscope. Iyung fibroids ay hindi naman gaanong problema dahil sabi ko nga, nawawala iyan dahil sa menopause.
T: I get your point, Dr. Now, I am well-informed. Thank you.
PD: You’re welcome. Please update me on this.


Tanong: I might ask for your advice now. You see, I went to Asian Hospital here in Alabang which is very near to my office. Unfortunately, the urologist is out of the country, the other one will come tom pa. So I went to Alabang Medical Hospital which is a 7 pesos (present jeepney fare) away from here. Kaso sa Saturday pa raw ng hapon. Waaah! Feeling ko nauubusan na talaga ng health professionals d2. Enwey I have a bad liquid withdrawal this morning, it happened sa last part ng pag ihi ko. I dunno if this has something to do with our inuman last night medyo naparami ang San Mig Lights at pulutan - sisig, inihaw na baboy, buttered chix, tokwa't pig, saka inihaw na mixed seafoods. Sobrang jingle na jingle ako pag gising ko. So, na pwersa ata at nagkaroon ng blood withdrawal. It seemed I hurt my urinary tract at 6 o'clock location ng bottom ng tube ko. Then I urinated again when I arrived here in the office. Ok na naman uli. Enwey, I took Aspirin muna since yun lang available dito sa table ko and walang gamot sa clinic namin kasi pinagbawal ng safety na. Pero at 10 in the morning meron na naman uli blood. So I went to the hospital wala naman nangyari kasi walang mga doctor. I took antibiotic muna 500 mg Amoxycillin at wala pa rin doktor available upon follow up sa near hospital here. So may I ask for your advice. Tnx.

Sabi ni Nanay: Ang pag-inom ng maraming tubig (mahigit 8 baso sa isang araw) ay makatutulong upang malinis ang iyong pantog. Ang mga tinatawag na natural diuretics ay mga pagkain o mga sangkap na nagtatanggal ng toxins, manas o tubig sa katawan. Ang mga sumusunod ay halimbawa nito: green tea, repolyo, carrot, litsugas, kamatis at sambong.

Magpatingin agad sa manggagamot kapag may dugo sa ihi. Isangguni ang mga sintomas lalo na kung may lagnat, madalas at mainit na pakiramdam tuwing iihi, pagsakit ng tiyan, likod o gilid, o hindi makaihi.

Payo ni Doktor: Based on your story, the first thing that I think you are suffering from are urinary stones. This may explain painful and difficulty in urination. Urinalysis and sometimes an ultrasound may be necessary if intractable. Since this may be an on and off event, prescription of antibiotics and pain relievers will afford temporary relief. At best, try to avoid salty foods and alcoholic beverages that may aggravate the situation. You may take ofloxacin and hyoscine-paracetamol for pain (full prescription withheld).
 
Before taking these medications, it would be good if you would do a urinalysis. This urine test does not need a prescription. You may request it from any laboratory. Please inform me of the results, ok?

Tanong: Here's the result of my urinalysis conducted at Manila Doctors, and had gone to a urologist. He made a referral for ultrasound. Since I am busy I'll check within this week para maka undergo ng ultrasound. Tentatively, schedule ko on Thursday. Wala naman siya iba in-advise, just to drink a lot of water, go din siya if ever I drink San Mig Light, and be sexually active din daw. Even though I ask for any medication he just give me for pain kaya I prefer to continue your advised med. Right now, clear naman ang urine ko except once yesterday morning na parang binatak na naman siya after I disposed off my liquid pero me konting konting blood sya. Pero when I continue drinking water fine na naman sya until this morning.
PHYSICAL EXAMINATION
color: DARK YELLOW
transparency: CLOUDY
MICROSCOPIC EXAMINATION
leukocytes: 0-2/HPF
RBC: 8-10/HPF
By the way, I read your blog column last night. It's a great idea. Marami ka matutulungan for sure. Mabuhay ka! God bless and thank you!

Payo ni Doktor: The urinalysis result confirmed my initial suspicion of stones. The lack of pus cells in the urine indicates that there is no concomitant infection. Nonetheless, the antibiotics that you are now taking will avoid infection, just in case. As I mentioned before, a scan will localize the stone and will give information on its size and number, should they be visible. Just follow your urologist's advice and I am sure that you will be well. Keep me informed please.

Tanong: Kumosta po kayo? Ako 42 years old, may asawa wala anak. Mayroon po ako naramdaman sa katawan at sa lalamunan ay may butlig-butlig na pula. Nagpa-doctor po ako.  Allergy lang daw. Inom ako ng inom ng gamot hindi gumaling pati ilong ang sakit. Ang baba ng dugo ko parang normal nasa akin ang 100. Pero mensa lang ako hihilo. Pate pala ang ilong ko kasama rin tainga at mata. Pwde bang sumakay ng iroplano kahit masakit ang ilong at tainga? Pwde po bang pakisagot po nitong tanong ko at pakipayo niyo po sa akin kong dapat kong gawin. isang kaibigan po at more power sa inyo. Maraming salamat.

Payo ni Doktor: Maraming salamat sa iyo. Base sa iyong liham, kailangang masuri ka ng isang ENT (ear-nose-throat) specialist. Ang allergy ay hindi nakukuha sa isang gamutan lamang, bagkus kailangan ding iwasan ang sanhi nito. Sa tuwing sasakay ng eroplano, nagbabago ang pressure sa tainga sa pag-akyat at pagbaba ng sasakyan kung kaya't ipinapayo kong magpakonsulta ka sa isang dalubhasa upang malunasan bago magbiyahe.


Tanong: Ako po ay 25 taong gulang. Madalas po ako makaranas ng pagkahilo tatlong buwan na ang nakakaraan. Sabi ng aking mga kaibigan, maputla raw ako. Napansin ko rin po na lumakas ang aking regla anim na buwan na ang nakaraan. Alam ko pong hindi ako buntis dahil wala naman akong nobyo. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin? Maraming salamat.
Sabi ni Nanay: Ang salabat ay maaaring inumin para sa sakit ng puson tuwing may buwanang dalaw at upang huminto ang malakas na pagdaloy nito. Dikdikin ang isang pirasong luya at pakuluan sa isang tasang tubig. Dagdagan ng asukal ayon sa iyong panlasa at inumin tatlong beses araw-araw makatapos kumain.
Ang pagkain ng bulaklak ng saging ay isa sa pinakamabisang paraan upang malunasan ang malakas na pagdaloy ng regla. Lutuin ang isang bulaklak ng saging at kainin kasama nang isang tasang keso. Sa ganitong paraan, hihina ang pagdaloy ng iyong regla.
Payo ni Doktor: Ang iyong pagkahilo ay sanhi ng iyong pamumutla o ‘anemia’ na nagmumula sa malakas mong regla. Nararapat na magpasuri sa iyong ‘gynecologist’ o doktor na dalubhasa sa mga karamdaman ng mga babae upang malaman ang dahilan ng paglakas nito. Maraming dahilan kung bakit nangyayari iyan. Ang pinakamadalas na sanhi ay ‘hormonal imbalance’. Mula sa resulta ng mga pagsusuri malalaman ang pinakamabisang lunas para sa iyo. Samantala, ang mga ‘multivitamins’, at ‘ferrous’ o ‘iron preparations’ na mabibili sa botika (over-the-counter) ay maaring inumin isa hanggang dalawang beses araw-araw upang mapawi ang iyong pamumutla at pagkahilo.
 
Tanong: I was operated on two months ago. Di ko alam I had period pala after the surgery. Then, inoperahan ulit ako four days after the first surgery. Since then, di pa ako ulit nagka period. Sinalinan ako ng dugo sa second surgery ko kasi bumaba ang hemoglobin ko. Regular lagi ang period ko, pero till now wala pa ko. 44 years pa lang ako but I had my period at the age of 12. Me possibility ba na menopause na ako? Please enlighten me about this. Thanks very much. God bless!
Payo ni Doktor: Thank you for your letter. A woman is not considered to have secondary amenorrhea (absence of periods in a previously menstruating woman) until she has missed three periods in a row. In your case, it seems that you have one or two missed periods. If you are sure that you are not pregnant, the stress of surgery might have caused a hormonal imbalance in your body system that resulted in missed periods. In this case, I think you have to seek a gynecologic evaluation. Most probably, the physician will prescribe hormonal pills to balance the hormones so that menstruation will ensue. Usually, menopause can happen anytime from 30’s to mid-50s or even later.
 
Tanong: Una sa lahat nais ko pong magpasalamat sa inyo. Ako’y nagagalak sa inyo dahil nakita ko po ang inyong email add at nakita ko po ang inyong payo. Mayroon po akong tanong sa inyo tungkol sa aking ama na may sakit sa tainga na kung minsan lumalabas ang dugo kaya natatakot ako. Ang pagkakaalam ko po noong siya ay binata pa sumisid siya sa dagat at sa pagkakataon na iyon ay bigla na lamang daw pong pumutok ang kanyang tainga at lumabas ang dugo. Pinakonsulta niya po iyon sa kanilang bayan pero hindi pa rin nalunasan at sa bandang huli ay unti-unting hindi na siya nakarinig ng malapitan. Kaya nag-isip na lang po kami na magkapatid ipagamot na lang namin sa malapit na pagamutan. Kagaya ng sakit ng tatay ko, may pag-asa pang bumalik? Ang paglipas po ba ng pagkain ay may kinalaman sa pagkabingi ng tao? Sana bigyan ninyo po ako ng payo sa sulat kung eto para malalaman namin kung anong dapat gawin Maraming salamat po...
Sabi ni Doktor: Maraming salamat sa iyong liham. Marahil dahil sa mataas na ‘pressure’ sa ilalim ng tubig, pumutok ang ‘ear drum’ ng iyong ama. Ito ang dahilan kung bakit dumugo ang kanyang tainga at hindi na makarinig. Sa ganitong kaso isang espesyalista sa tainga [otolaryngologist o ear-nose-throat (ENT)] o ‘audiologist’ ang makakatulong sa kanya. Dahil sa hindi na maibabalik ang pandinig, mangangailangan siya ng ‘hearing aid’ o ibang kagamitan upang malunasan ito. Walang kinalaman ang hindi pagkain sa pagkabingi.
 
Tanong: Ako po ay 20 anyos na lalaki. Sa tuwing panahon  ng tagsibol (spring), ako po ay inuubo, sinisipon at nagluluha ang mga mata. Ano po ba ang gamot para rito at paano ito maiiwasan?

Sabi ni  Nanay:
Ang pinakamahalaga at pinakamahusay na panlaban sa ubo at sipon ay ang mga prutas na mayaman sa Vitamin C tulad ng dalandan, lemon, at calamansi. Pinapalakas ng mga ito ang ating katawan upang labanan ang sakit, pinabababa ang ‘toxin’, at pinaiikli ang tagal ng karamdaman. Magpiga ng isang ‘lemon’ sa isang basong may maligamgam na tubig at samahan ng isang kutsaritang pulut-pukyutan (honey). Uminom ng isang baso nito isa hanggang dalawang beses araw-araw.
Ang salabat ay isa pang mahusay na lunas laban sa ubo, sipon at lagnat. Dikdikin ang 10 gramong luya at pakuluan sa isang tasang tubig. Salain ang pinakuluang luya at dagdagan ng kalahating kutsaritang asukal ang sabaw nito. Inumin habang mainit.

 
Payo ni Doktor:
Ang pabalik-balik na ubo’t sipon tuwing tagsibol ay sanhi ng ‘allergy’ sa ‘pollen’ ng mga halaman, damo o bulaklak. Ito ang tinatawag na ‘allergic rhinitis’. Kapag ang isang tao ay sensitibo sa protinang taglay ng ‘pollen’, ito ang sanhi ng paulit-ulit na ubo’t sipon. Maaari ring pagmulan ng sakit na ito ang alikabok o ang paglanghap ng balahibo ng mga alagang aso, pusa, atbp.
Ang mga likas na paunang lunas na sinabi ni Nanay ay makatutulong upang mapagaling ang taong may sakit. Subali’t sadyang may mga pagkakataon na ang ating katawan ay lubhang mahina upang labanan ang mga karamdaman kung kaya’t ang mga sumusunod ay maaaring gawin. Ang pinakamahalaga bago bumili at uminom ng mga gamot na babanggitin ay ang pagpapatingin at pagtatanong sa inyong parmasiyutika at doktor upang kayo ay lubos na masuri at malaman ang mga hindi kanais-nais ng epekto o ‘side effects’ ng bawa’t gamot.
 
1. Iwasan ang sanhi ng ‘allergy’ hangga’t maari. Ang mga ‘blood’ at ‘skin tests’ na ginagawa sa ospital ang pinakasiguradong paraan upang malaman ang pinagmumulan ng ‘allergy’.
2. Kung hindi maiwasan ang sanhi, may mga gamot na maaaring bilhin sa botika (over-the-counter medications). Ang mga sumusunod na gamot ay nakapagdudulot ng antok upang mapakalma ang taong may sakit subali’t hindi ipinapayong inumin kung kailangang maging gising at alerto sa trabaho o paaralan: diphenhydramine, chlorpheniramine, clemastine o brompheniramine.
3. May mga gamot na hindi nagdudulot ng pagkaantok na maaari ring mabili sa mga botika tulad ng mga sumusunod: loratadine at cetirizine. Kung minsan ay mayroong mga ‘side effects’ ang mga gamot na ito tulad ng hindi pag-ihi para sa mga lalaki at pagbilis ng tibok ng puso. Magpakonsulta bago inumin ang mga ito.