Jeepney Press
July - August 2025
Mahal kong Tita Lits,
Matagal ko na pong gustong ibahagi sa inyo ang laman ng puso ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung saan magsisimula.
Tita, pagod na pagod na po ako. Limang taon na mula nang ma-diagnose ako ng cancer sa matres. Noong una, hindi ko po matanggap. Parang bangungot. Akala ko lilipas din, pero hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ito.
Minsan naiisip ko, baka kasalanan ko rin. Baka dahil inabuso ko ang sarili ko noong araw. Alam n’yo naman po siguro—nung panahon na nagtatrabaho pa ako bilang entertainer sa isang Philippine club. Araw-araw na yosi, alak, puyat, at minsan, pagkalasing sa sobrang pagod o lungkot. Parang sinagad ko ang katawan ko noon, habang pilit lumalaban para makaraos sa buhay dito sa Japan. Hanggang sa makilala ko si Hiroshi—ang paborito kong customer—na naging asawa ko.
Ilang taon din kaming nagsikap magka-anak. Tatlong beses akong nakunan bago dumating si Mika. Siya ang milagro ko. Pero kahit naibigay siya sa amin, dumating pa rin ang hamon—medyo may pagka-autistic si Mika. Hindi siya gaya ng ibang kabataan. Kailangan niya ng tuluy-tuloy na gabay at pag-aaruga. Kaya simula’t sapul, ako ang naging sandigan niya.
At ngayon, kami na lang dalawa. Tatlong taon na pong wala si Hiroshi. Pumanaw siya dahil sa stroke. Napakabilis ng lahat. Isang araw andiyan siya, kinabukasan, wala na. Hanggang ngayon, parang hindi ko pa rin matanggap. Sa loob ng tatlong taon, ako na lang ang kailangang maging matatag para sa amin ni Mika.
Kahit sinasabi ng doktor na medyo stable na ang cancer ko, may mga gabi pa ring hindi ako makatulog. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot—takot kung anong mangyayari kay Mika kapag wala na ako. Sino ang mag-aalaga sa kanya? Paano siya mamumuhay sa mundong hindi laging mabait sa mga taong naiiba?
Tita Lits, kaya ako sumusulat sa inyo. Alam kong matagal na po kayong nanirahan dito sa Japan. Marami na kayong naranasan sa buhay, at alam kong hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan ninyo. Kaya gusto ko po sanang humingi ng payo.
Paano niyo po hinarap ang mga panahon ng kalungkutan? Kapag pakiramdam ninyo po ay mag-isa kayo, paano kayo bumangon? Kapag natatakot kayo sa hinaharap, anong pinanghahawakan ninyo para manatiling matatag?
Hindi ko po alam kung may sagot sa lahat ng tanong ko. Pero gusto ko lang marinig ang tinig ng isang taong tunay na nakakaunawa. Marahil po ay hindi ako ang nag-iisang ganito ang nararamdaman. Baka po sa kwento ninyo, makahanap ako ng lakas.
Maraming salamat po, Tita. Ipagdasal n’yo po kami ni Mika. Sana balang araw, makahanap rin ako ng kapanatagan.
Nagmamahal,
Nena
Mahal kong Nena:
Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon at iyong ilang taon na pagkalungkot mo sa pagkapanaw ng iyong kabiyak sa puso, si Hiroshi. Sa aking tingin, minahal ka niya talaga, gustong magkaanak sa iyo, at idinulot naman ng Panginoon na ibigay sa inyo si Mika.
Tingin ko, sobrang worrier ka lang. Isa sa importanteng impormasyon kong nalaman sa sulat mo, ay ang sabi sa iyo ng iyong doctor na medyo stable na ang kondisyon mo na cancer sa matris. Very good news ito, Nena!
Nag-research ako, at ito ang nalaman ko:
Ang five (5) year survival rate sa cancer sa matris ay 81%. Ibig sabihin, 81% of women diagnosed with the disease are alive five years later, katulad mo. Itong survival rate ay mas mataas pa kung yong cancer mo ay hindi pa nag-spread outside of your uterus. Kapag hindi (at tingin ko, hindi, dahil nga sa opinion ng doctor mo na stable na ang condition mo), ang survival rate umaabot ng hanggang 95%! Nagiging mas epektibo ang paggamot sa iyo, kasabay ng pagtaas ng survival rates. Fatal lang ang cancer mo kapag hindi kaagad na-detect at lalo na kung nag-spread na. Hindi ito ang kaso mo, thank God!
Palagay ko, under depression ka ngayon. Natural lang na ma-depress ang isang taong kumakarga ng mga bagay-bagay na katulad mo – sakit, wala ng katuwang sa buhay na asawa, may anak na nangangailan ng extrang pag-aalaga… Pero wala akong narinig na hinaing sa iyo tungkol sa pera. Palagay ko, hindi ka nahihirapan dito sa bagay na ito.
May kilala ako, at least dalawang pamilya, na may anak na autistic. Yong isa, napakatalino sa science; iyong isa sa math naman. Iyong mga may autism, may special talents talaga, iyong iba, sa music. Ewan ko kung ano ang extrang talent ni Mika. Siguradong mayroon at dapat iyong ma-develop. Search ka ng special school na mag-a-admit sa katulad ni Mika. Magtanong ka sa iyong ward office.
Kung tiga Tokyo ka, sigurado ako, mayroon, dahil ang isa kong staff in-enrol ang anak niya doon sa special school from grade school. Tapos, later, inilipat sa Pilipinas. Alam mo bang ngayon ay parang normal na normal na ito (binata na), at nagtuturo nga sa isang public school sa Japan? Iyong anak naman ng isa kong kakilala, iyong magaling sa science, at sa Pilipinas nakatira at nag-aaral. Multi-awarded noong mag-graduate ng grade 3 – top in science, at iba pang subject. At napakarami ng improvements. Dati masyadong magalaw, may attention deficit, ngayon, nakikinig na sa mga payo ng magulang at teachers.
Isa pang advice, kung tiga-Tokyo ka, makipag-appointment ka sa Mejiro Clinic, tel. 03-5906-5092; 5093. May staff na sasagot para magpa-appointment kay Dra. Yuko Matsunaga. Nag-e-English sila lahat (although sigurado ako na very fluent ka na sa Nihongo). Maraming kliyente na gaijin si Dra. Matsunaga. Isa ka lang (at ako) sa maraming hindi mukhang may problema, but mayroon pala. She is a psychiatrist who can help you with feelings of loneliness, of isolation, of mental distress, etc. Pwede mong i-mention ang pangalan ko (Isabelita Watanabe), dahil isa ako sa regular na pasyente niya. Ni-refer siya sa akin ng St. Luke’s Hospital in Tokyo noong mag-retire na ang psychiatrist ko doon.
Sa Japan, may stigma ang mental problems like depression. Noong sa St. Luke’s Tokyo ako pumupunta, wala kang makikitang nakasulat na “Department of Psychiatry” or “Psychiatry Section”. Ang nakalagay, “Liaison Department”.
Sa America, hay naku, ipinagmamalaki pa na seeing a psychiatrist itong maraming mga sikat na artista, di-ba? Kasi, napakamahal ng sessions with the doctor, so mayaman lang ang pwedeng magpatingin. At walang stigma.
Sa Japan, covered ng iyong health insurance ito, at super affordable. Ako, mga six (6) years ng regular na pumupunta sa psychiatrist ko. Ang initial analysis ay accumulation ng sobrang pagod sa aking kaka-trabaho. Baka ganoon din ang pinagmulan ng feelings mo ng pagkalungkot at pag-aalalang masyado. Isang punta ko sa clinic, sinabi ng doctor ko na worried siya sa hitsura ko – parang super pagod daw. Tinanong ako, what makes you worried? Sabi ko, when I have liquidity problems (pera – may business kasi ako). Another question: what will make you happy? Sagot ko, I am always happy when I go home to the Philippines, kasi nandoon ang aking pamilya, mga ka-klase sa high school (very close kami), at iba pang kaibigan.
Subukan mo kayang umuwi din, at isama si Mika? For a change of environment. Also to talk with your family na huwag pababayaan si Mika just in case, talagang tatawagan ka na ni Lord to join Him in heaven (tingin ko, talagang hindi pa!). Magbukas ka rin ng bank account sa atin, na ITF (In Trust For), para kay Mika. Pwedeng kapatid mo or nanay mo ang kasama sa pangalan ng ITF na account ni Mika. Makukuha ni Mika ang pera only kapag age of majority na siya (20 years old ang alam ko, sa Pilipinas).
Hayan, alam mo na hindi ka nag-iisa. Kahit si Tita Lits mo, hindi rin super woman, at marami ding dinadala. Pero we should go on with life, enjoy what we can whenever we can, get up when we fall, and thank God every morning you wake up. Isang araw na naman para sa iyo na makasama mo ang iyong precious angel, si Mika.
Tita Lits
May - June 2025
Dear Tita Lits,
Long-time reader, first-time reklamador! Chos lang po. I’ve been reading Jeepney Press since the ancient times—aka the paper days. Ngayon, mas masaya kasi digital na! Updated pa rin ako kahit naka-throne mode.
Tita, I super love your section. Para kang nanay, guidance counselor, at stand-up comedian in one. Ang dami kong natututunan with matching laugh trip. I’m sure sanay na sanay ka na sa Japan life. Ako? Bagets pa—3 years pa lang sa serbisyo... este, sa pagtuturo ng English dito.
Japan is actually my first ever out-of-the-country adventure. Para akong si Dora the Explorer—pero walang backpack, may dalang lesson plan. Gusto ko rin sanang mag-travel-travel habang nandito pa ako para masulit ang pagiging OFWtographer (OFW + tourist + photographer—gets?).
Pero ayun na nga, Tita. Kwento ko lang ang aking latest airplane horror story a.k.a. “The Flightmare on Aisle Street.”
So I had a 6 AM flight back to the Philippines. I arrived at the airport at 3 AM—no sleep, no energy, just pure hopes and prayers na makakatulog ako sa eroplano. Spoiler alert: I did not.
I was seated sa 4-seater row. Umaasa pa ako na baka may cute na aniki ang katabi ko—surprise, Tita: ang katabi ko, isang buong pamilya straight out of MMK. Tatay, nanay, at anak na parang naka-Red Bull + drumsticks. Sigaw here, takbo there, seat-kick everywhere! Every ten minutes nasa CR siya—parang may sariling world tour.
Yung tatay? Knocked out. Humihilik. Amoy Marlboro Lights meets summer pawis. Gusto ko na lang magpahid ng Vicks sa buong mukha for protection.
Yung nanay? Sigaw nang sigaw sa anak, pero parang background noise sa karaoke—wala ring effect. Ako? Nag-pray over na lang sa sarili ko habang nire-recite mentally ang Serenity Prayer.
Sinubukan kong ibigay ang best ko na “polite but firm flight attendant look”—yung may ngiti pero may banta. Sabay bulong, “Pasensya na po, kailangan ko po talagang makatulog. Baka puwedeng paalalahanan si little drummer boy?”
Pero waley, Tita. As in dedma levels! Parang ako ‘yung naka-airplane mode. Tumingin lang siya sa akin saglit, tapos balik tutok sa TikTok.
I tried to mentally teleport to a beach. Failed. Even my imagination gave up and requested a refund.
So ayun, Tita... tanong ko lang po—anong dapat gawin ng isang helpless, sleepy, slightly annoyed Tita-in-training sa ganitong mga eksena?
Salamat po, Tita Lits, sa pakikinig sa aking torture-in-the-sky story. Sana next time, hindi na ako maging passenger of pain.
With jetlag and emotional baggage from Row 26D,
Alyanna
(Di totoong pangalan—baka mabasa ni Daddy Marlboro!)
Dear Alyanna:
Ang galing mong magsulat!
Tawa ako ng tawa at saka aliw-na-aliw sa iyong kwento. Buti na lang sinabi mong “Para kang nanay…” sa akin, at hindi para akong Lola (Lola Basyang, perhaps?), although sa edad kong 71, baka apo na kita! At ibang-iba na talaga lenguahe ng mga super bagets ngayon (di-na millennial ang tawag, di-ba? GenZ?) Hindi ko nga alam kung ano ibig sabihin ng MMK!
You super love my section? Oh… I super love your way of writing, of expressing yourself so well, and of making light of the problems you encountered during that horror airplane adventure. I think I’ve now found the one to pass on my “throne” as the Tita Lits of our OFWs in Japan. Kaya lang, Tita Alyanna ka ba, or Tito ______ (your real name)? Tingin ko kasi kabaro kita, based on the name you submitted—pero parang hindi rin?
Anyway, let’s go back to your super airplane trip adventure.
Buti hindi sa likod mo nakaupo iyong junior jetsetter (mga ilang taon na kaya siya?). Kung hindi, masisipa ka ng masisipa kung hindi nagtata-takbo or nag-a-adventure sa toilet. Kung maliit pa lang itong bata, hindi siya papayagang takbo ng takbo ng airline crew, kasi ngayon ay encouraged tayong mag-seat belt kahit hindi naka light-up ang seat belt sign.
Sobra naman ka-inefficient ang airline stewards/stewardesses ng airline mong ginamit (sigurado akong super-cheap airline ang ginamit mo).
Ako rin, kagagaling lang sa Pinas, at Air Asia ang nakita kong cheaper than other cheap airlines like JetStar, Zip Air, or CebuPac. Super dakdakan ang magandang stewardess at ang bading na steward na nakaupo sa harapan ko (Seat C1—feeling first class ako), separated only by glass or super hard plastic. Dinig ko ang Maritess-san nila, at kita ko pa ang pagme-make-up ni beauty queen: napakaputi ng ngipin, flowing shoulder-length hair. Ang red uniform nila, hapit-na-hapit—kita ang shape ng katawan (pati shape ng panty dahil sa sikip ng skirt!). Dapat in-approach ko siya—puwede siyang maging Ms. Universe contestant sa ganda, ngiti, at tindig!
Ay naku! Napa-digress ako.
Tingin ko, simple lang sana ang solusyon sa naging problema mo: lumipat ka sana ng upuan after ma-achieve ang cruising altitude. Best kung pinindot mo iyong call button at nag-request ng transfer—kahit saan, kahit sa tabi ng toilet, para harangin mo iyong batang tatakbo sa direksiyon mo. Ha ha ha!
Anyway, magpasalamat ka pa rin at ligtas kang nakarating kung saan ka man pumunta (Pinas, I assume?). At siguro naman, nakabawi ka ng tulog pagdating mo sa bahay ninyo.
Until your next adventure in the sky—write again, Alyanna!
Make me and our Tita Lits readers laugh again, so we get the best free medicine for a long and happy life!
Tita Lits
Pahabol:
Hala, ngayon ko lang nalaman na 'Maalaala Mo Kaya' pala ang ibig sabihin ng MMK! Akala ko 'Masarap Magluto si Kumare'!
Balik-ere na raw after 2 years, ayon sa Rappler.
Handa na ba kayo sa iyakan, tissue, at flashback? 😂
March - April 2025
Mahal kong Tita Lits,
Pakiramdam ko, bigla akong naging bida sa isang soap opera—pero walang cut, walang director na sisigaw ng "Take 2," at lalong walang script na nagsasabing paano ko haharapin ang ganitong eksena.
Tatlong dekada akong naging asawa—hindi lang basta asawa, kundi isang tapat, maalaga, at pasensyosang kabiyak ng asawa kong Hapon. Inalagaan ko siya, sinuportahan, at minahal ng buong puso. Kung may loyalty card ang pagiging misis, baka lifetime VIP member na ako!
Kaya noong biglaan siyang pumanaw isang buwan na ang nakalipas dahil sa atake sa puso, parang natanggalan ako ng kalahating buhay. Sobrang sakit. Sobrang lungkot. Pero akala ko, iyon na ang pinaka-worst na mararanasan ko.
Mali pala ako.
Habang inaayos ko ang mga gamit niya, may nakita akong kahon ng lumang video tapes. Sa una, nakakataba ng puso. Ang daming masasayang alaala—mga bakasyon namin, kaarawan, simpleng araw na punong-puno ng pagmamahal. Napaiyak ako sa lungkot pero napangiti rin sa mga natitirang alaala niya. Hanggang sa may isang tape na walang label.
Pinindot ko ang play. Akala ko, isa na namang family video. Pero Diyos ko, kung alam ko lang, sana hindi ko na pinanood!
Ang asawa ko… Pero hindi ako ang kasama niya. Isang babae. Haponesa. Kilala ko siya. Hindi kami magkaibigan, pero hindi rin naman kami magkaaway. At ang mas masaklap? Hindi ito simpleng kwentuhan lang. Walang wholesome sa pinanood ko! Kung movie ito, siguradong Rated X!
Nanlamig ang buong katawan ko. Parang sinampal ako ng realidad. Ilang minuto akong tulala. Hindi ko alam kung sisigaw ako, iiyak, o isusumpa siya sa kabilang buhay. Para akong nabundol ng truck ng kataksilan!
Simula noong araw na iyon, wala na akong maayos na tulog. Kahit pilitin kong iwaglit sa isip ko, bumabalik ito gabi-gabi, parang horror movie na hindi ko matakasan. Ang tanong ko ngayon: paano ko ito ipoproseso?
Patay na siya. Hindi ko na siya mahaharap para tanungin. Wala nang pagkakataong humingi siya ng tawad. Naiwan akong nag-iisa, pasan ang bigat ng pagtataksil na hindi ko naman kasalanan.
Gusto ko siyang patawarin—hindi dahil deserve niya, kundi dahil gusto kong maging payapa. Pero paano ko mapapatawad ang isang taong hindi ko na makakausap? Paano ko ihihinto ang sakit na parang nakatatak na sa dibdib ko?
At paano naman yung babae sa tape? Dapat ko ba siyang harapin? Dapat ko bang itanong kung gaano katagal ito nangyari? Kung mahal ba nila ang isa’t isa? O baka naman matagal na rin niyang kinalimutan ang lahat at ako lang itong naiwan na pasan-pasan ang bigat ng lahat?
Sa totoo lang, gusto ko lang maging payapa. Hindi ko na mababago ang nakaraan. Hindi ko na rin siya mahuhusgahan pa. Pero paano ko kakalimutan?
Ano ang dapat kong gawin?
Lubos na naguguluhan,
Geraldine, Gunma-ken
PS: At ito pa—ano ang gagawin ko sa video tape? Itatapon ko ba? Sisirain? O dapat ko ba itong itago bilang ebidensya ng isang lihim na hindi ko naman ginusto? Pero para saan? Para kanino?
Dapat ko bang sabihin sa dalawang anak namin? Kung oo, paano? Gaano karaming detalye ang dapat kong ibigay? Deserve ba nilang malaman ang ginawa ng ama nila, o dapat ko na lang ibaon ito sa limot at hayaang manatili siyang mabuting ama sa alaala nila?
Dear Geraldine:
Wow!
Sobrang saludo ako sa iyo sa iyong pagiging tapat, maalaga, at pasensyosong kabiyak ng iyong asawang Hapon. Inalagaan mo, sinuportahan mo, at minahal mo ng buong puso bago siya sumakabilang buhay. Hindi ko naman alam ang inyong pisikal na relationship. Kasi, sa isang marriage, napaka-importanteng maging masigla ang sexual relations ng mag-asawa para maging mas matibay ang kanilang pagsasama.
May gusto din sana akong itanong na hindi mo nasabi sa iyong sulat. Kailan ang date ng unmarked video ng iyong pumanaw na asawa at saka ng kanyang lover na Haponesa? Mahalaga ito para ma-analyze natin ano ang iba pa niyang hinahanap sa babae.
Bago ba kayo ikasal? If yes, fling lang niya iyon.
Habang matagal na kayong nagsasama as husband and wife? Pwedeng gusto lang niyang maging adventurous, maiba ang putahe, ika nga. Pero hindi ka naman niya pinabayaan at hindi ka naman niya iniwan at saka ang inyong mga anak.
Kahit ano ang naging dahilan, bakit ka magpapa-apekto pa? Kung buhay pa siya, as sus! Ako ang mag-a-advice na harapin mo siya, at ipamukha sa kanya ang kanyang pandaraya sa iyo. OK rin ding sampalin mo, at sampalin mo ng napakalakas, para magising sa katotohan at sa kanyang commitment sa inyong marriage.
Pero, Geraldine, pumanaw na siya!
Natural siguro na hindi ka makatulog, na bothered ka pa. Pero hindi na siya makakaulit pa, di-ba? So patawarin mo na siya, at ipagdasal mo na bigyan ka ng strength ni Lord to forgive. Di-ba, kahit ang Diyos, ay nag-forgive sa lahat ng ating mga kasalanan at tinanggap niya na mamatay siya sa kurus para lang tayo maisalba?
Huwag mo ng sabihin sa mga anak ninyo. Let them continue to have good memories of their father. Wala namang kabuluhan na malaman pa nila, di-ba? Mas gusto mo bang maging hate nila tatay nila? As a loving mother, and also supportive of the happiness of your children, do not destroy the image they had all their lives sa kanilang tatay.
Iyon namang babae sa tape… Ikaw. OK lang sa akin na yayain mo siya na magkita kayo. Siguro in a nice coffee shop na pwede kayong mag-usap with some privacy. Kung makakagaan sa iyong sakit sa dibdib na makita niya iyong tape, magpa-copy ka, at ibalot mo na parang “omiyage” sa kanya bago kayo maghiwalay. Huwag mong awayin kapag nagkita kayo. Mas magiging masakit sa kanya na malaman niya later, kapag pinanood niya ang tape, na nagtimpi ka, naging disenteng babae ka, sa kanya.
As to your original copy, nasa sa iyo kung gusto mong itago. Kung itatago mo, make-sure na you wrap and seal it, and make instructions to your children that upon your death, they will burn it, together with you when you get cremated.
Kung namang hindi cremation, ipasama mo sa iyong kabaong, at kung magkita kayo sa next life ni taksil na hubby, doon mo na lang awayin at ibigay sa kanya, ang ebidensiya ng kanyang unfaithfulness. (Joke lang ito Geraldine, para lang mapatawa kita, at baka sakaling gumaan na ang iyong dibdib at makapag-patawad ka na).
Time will heal all your wounds, Geraldine. So cool ka lang, OK? You have your children to take care of, and to give your full attention no. Para maging very good sila, at maipag-malaki mo!
Nagmamahal,
Tita Lits
January - February 2025
Dear Tita Lits,
Ang matalik kong kaibigan, tawagan natin sa pangalan na Dina, na sampong taon ko nang kilala, ay madalas humiram ng mga damit ko. May pera naman siya at hindi pobre. Nagtitipid lang siguro at marami din siyang binubuhay sa Pinas. Tsaka, alam naman niyo na sa trabahong pang gabi, dapat laging iba-iba ang suot. Naintindihan ko naman po iyon kasi dati rin akong nagtrabaho sa gabi. Wala naman akong problema sa pagpapahiram, pero hindi niya naibabalik ang mga ito. Pagtagal at sa haba ng panahon, hindi na niya matandaan kung alin ang kanya o akin, kaya kapag hinihingi ko ang mga damit ko, naku po, sinasabi niyang sa kanya ang mga iyon.
Sinubukan ko na siyang tanggihan nang nanghiram siya ulit minsan pero dahil magaling siyang mag convince, ma-chika, ma-drama at siguro, dahil na rin sa sobrang kabaitan ko, napapapayag pa rin niya ako. Pinapahalagahan ko ang aming pagkakaibigan, kaya mas mahirap para sa akin na tumanggi. May paraan ba para mapahinto siya sa panghihiram nang hindi nasisira ang aming pagkakaibigan? Nauubusan na po ako ng damit at pasensya. Tulong, Tita Lits!
Linda
Roppongi, Tokyo
Dear Linda:
Pinahahalagahan mo ang inyong pagka-kaibigan ni Dina? Bakit?
Pinangangalagahan din ba niya? Mukhang hindi!
Kung magkaibigan kayo ng may sampung taon na, siguro naman, nakapasok ka na sa bahay niya, di-ba? Puntahan mo minsan, dahil kung nakalimutan na niya kung damit mo ang nasa closet niya, siguro naman, makikilala mo ang yong sariling damit, at kunin mo from her. Wala siyang karapatang pumalag dahil siguradong alam niya kung kanya o hindi ang mga kukunin mong mga damit sa closet niya.
May paraan para mapahinto siya ng panghihiram – HUWAG KA NG MAGPAHIRAM! Kung dahil dito, as masisira ang inyong pagkakaibigan, just let it be! Masira kung masira. Dina does not deserve your kindness. Alam niyang kaunting lambing lang sa kanya, nakakabola na siya sa iyo.
Ang pagkakaibigan ay two-way – hindi one way. Hindi iyong, “Ang iyo ay akin; Ang akin ay akin!”.
Pasensiya ka na Linda, napikon mo ako sa iyong sobrang pagka-naïve.
Kahanga-hanga ang kabaitan mo, pero dapat magising ka rin kung inaabuso na ang kabaitan mo.
Tita Lits