Jeepney Press
ADVICE NI TITA LITS
Take It or Leave It!
Jeepney Press
Take It or Leave It!
By Isabelita Manalastas-Watanabe
JANUARY - FEBRUARY 2026
Dear Tita Lits,
Magandang araw po. Tawagin n’yo na lang po akong “OFW na Laging May Dalang Pasalubong at Sama ng Loob.”
Sumusulat po ako ngayon hindi dahil may lovelife problem ako (wala po kasi), kundi dahil may family problem tuwing Pasko—at feeling ko, mas komplikado pa kaysa love triangle sa teleserye.
Isa po akong OFW na umuuwi tuwing Christmas sa aming probinsya. Bago pa man umalis ng Japan, todo-excite na ako. Sabi ko sa sarili ko: “This year, pahinga talaga. Fresh air, tahimik, tsismisan lang, kain, tulog.”
Pero pagdating ko pa lang sa airport… tapos na ang pahinga.
Pagbaba ko ng sasakyan sa bahay:
May kamag-anak na biglang very sweet: “Uy, dumating ka na!”
(Translation: May kailangan ako.)
May magtatanong agad: “Magkano na palitan ngayon sa Japan?”
(Translation: Pahiram naman diyan.)
May magbubulong: “Ikaw na bahala, kahit konti lang…” (pero ang konti, pang-full meal)
Tapos nandiyan ang pasalubong pressure.
Kapag marami akong dala: “Wow, sana all!”
Kapag konti lang: “Ay, ‘yun lang?”
Kapag wala: “OFW ka pa ba talaga?”
Isang taon, nag-try akong mag-set ng boundaries. Sabi ko, “This Christmas, simple lang tayo.”
Ay naku, parang nag-announce ako ng national emergency. May tampuhan, may parinig, may Facebook post na hindi naka-tag… pero alam mong ikaw ‘yun.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Totoo ‘yun.
Pero minsan, parang pag-uwi ko, hindi ako tao—ATM ako na may feelings.
Gusto ko ring umupo, kumain, tumawa, at huminga… hindi lang mag-compute ng gastos.
Kaya po ako sumusulat sa inyo, Tita Lits.
Paano po ba ang isang OFW:
Uuwi ng Pasko
Magmamahal ng pamilya
Magbibigay kung kaya
Pero hindi mauubos—sa pera, sa lakas, at sa pasensya?
Paano po ba magsabi ng “hanggang dito lang” nang hindi nagiging kontrabida sa family reunion?
Paano po ba umuwi nang may kilig sa puso, hindi kaba sa bulsa?
Sana po ay mabigyan n’yo ako ng payo—kahit real talk, kahit masakit, kahit may konting sermon. Sanay na po ako. OFW po ako eh.
Maraming salamat po. More power sa column n’yo. Ang dami n’yong natutulungan—lalo na kaming mga umuuwi tuwing Pasko na gustong magmahal, pero gusto ring mabuhay.
Nagmamahal (kahit pagod),
Pablo
Dear Pablo:
Gusto kong palitan ang pagtawag sa iyo: “OFW na Laging May Tuwa at Galak.”
Kung ang mga sasalubong sa iyo o ang mga dadatnan mo sa Pilipinas ay hindi matutuwa dahil wala kang dalang pasalubong—who cares? Kung hindi sila masaya na makita ka at makapiling ka, ke Pasko o hindi, que se hoda sila!
Kung hindi mo sila pinadalhan ng remittance from Japan kahit minsan lang sa isang taon—kahit during Christmas season lang—siguro puwede pa silang magtampo kapag umuwi ka na walang bitbit o walang cash na ipapamudmod. Kasi, sa mata nila, “burden” ka lang: papakainin ka nila, patutulugin sa best room (na guest room na inihanda nila kunwari para sa bisita), pero kahit minsan sa isang taon, hindi mo naman sila naalala, ’di ba?
May choice ka naman. Wala kang sariling pamilya (wife, kids) na dapat sustentuhan habang kumikita ka bilang OFW sa Japan, so hindi mo siguro obligasyon na magpadala. Kung ganoon, itabi mo na lang sa alkansiya ang dapat mong i-remit sa loob ng isang taon, dalhin mo na lang ito as cash, at ibigay kay Tatay at Nanay—cash o pasalubong. Hindi mo na concern ang ibang relatives o friends. Hindi mo obligasyon iyon.
But invite the whole family—parents, siblings, mga asawa at anak nila—sa isang family dinner. Dalhin mo sila sa unlimited buffet at hayaan mo silang magpakasawa sa biyayang bigay mo: a memorable meal experience, family gathering, at photo-ops para sa buong pamilya.
Siguro sapat na iyon, ’di ba? (Naku, walang cheaper by the dozen kung marami kayong magkakapatid!)
Takpan mo na lang ang tainga mo—gumamit ng earplugs, parang sosyal na nakikinig ng musika sa cellphone—para hindi mo marinig ang kung anu-anong side comments ng mga hindi mo naman immediate family members.
Sa Angeles City, noong umuwi ako ng isang linggo lang para sa Dec. 21 birthday ng aking solo hijo, ang iisa kong kapatid na babae na nasa Japan ay umuwi rin, para naman sa Dec. 23 birthday ng aming yumaong ama—bilang pag-alala sa memories namin sa kanya at sa aming yumaong nanay.
Nag-arrange siya ng buffet para sa buong pamilya na sobrang dami ng food variety—Japanese, Chinese, Korean, Filipino, at iba’t ibang desserts at drinks—thru our Manalastas Clan Viber Group. Bago pa umuwi: reservation na, bilang ng attendees, ilan ang seniors, ilan ang bata at ages nila. We occupied three (3) long tables sa Abe Restaurant near Marquee Mall.
Walang hinto ang Marites-san moments: kwentuhan, tawanan, at kodakan—for an average of PHP 800 per person lang. Kahit napakahina ng yen ngayon, around JPY 2,100 per person lang iyon. At super high-class na sa probinsya ang restaurant na iyon. Mayroon pa ngang eat-all-you-can na PHP 300 (JPY 930) per person, pero sabi ng clan, malayo raw.
Ako, FOR THE FIRST TIME, walang bitbit na pasalubong (except sa mga ka-partner kong bangko).
Ang kapatid kong babae ang namigay ng regalo sa lahat ng pamilya namin (she goes home less frequently than I do). Wala na kaming magulang na monthly kong pinapadalhan noon ng remittance sa buong buhay ko bilang propesyonal. In fact, mula nang magtrabaho ako after university graduation sa Pilipinas hanggang makarating ako sa Japan, walang palya ang monthly support ko. Alam iyon ng mga kapatid ko.
Pero parang naggi-guilty pa rin ako—katulad mo—kapag umuuwi akong walang dala.
But this last time, I felt good na walang bitbit, walang pamigay. I finally broke that chain—that yearly feeling of responsibility and guilt.
Hayun, tumulong na lang ako sa sister ko. Sabi ko, babayaran ko ang share niya at ang share ng anak ko. Originally, KKB ang announcement niya sa pamilya dahil birthday celebration naman ng yumaong tatay. Lahat nag-confirm na sasama sa buffet lunch.
In the end, siya pa rin ang nagbayad ng lahat.
So mukhang may intention talaga siyang manlibre from the start. In-announce niya kasi nang maaga sa Viber group na KKB dahil hindi na siya full-time OFW—arubaito na lang siya, tapos na rin sa university ang tatlo niyang anak. Walang pumalag, kasi very clear ang non-expectation: walang blowout, walang regalo.
Kaya naging surprise na lang na siya pala ang nagbayad ng lahat—at may bitbit pang mga regalo (made in the Philippines, kaya walang hassle sa check-in at nakatulong pa sa ating bansa).
And my sister still had time to visit her high school friends, lumabas-labas, enjoyed going out with them, at gawin ang sarili niyang trip—bakasyon, pahinga, quality time. In short, she accomplished everything she wanted: a memorable family reunion and quality time for herself and her friends.
Tita Lits