Jeepney Press
Jeepney Press
by Jasmin Vasquez
March - April 2026
Darating na ba si Jesus?
Ang gulo ng mundo—sunog, baha, lindol, at pagputok ng mga bulkan. May patayan, holdap, at mga digmaan sa iba’t ibang bansa. Parang nagkakatotoo na ang mga nakasulat sa Bibliya.
May mga pangyayaring tila umaayon sa mga inilarawan sa Apocalipsis. Hindi natin ito makumpirma nang lubos—panahon lamang ang makapagsasabi.
Gayunpaman, tulad ng paulit-ulit na paalala sa Bibliya: huwag matakot. Huwag din mag-alala tungkol sa bukas, sapagkat mayroon tayong ngayon.
Sa halip, isipin: paano mo gagawin ang kalooban ng Diyos sa iyong buhay ngayon? Paano mo pakikitunguhan ang mga nakapaligid sa iyo—hindi lamang ang mga “pinakamaliit,” kundi pati ang mga taong itinuturing mong kaaway? Paano sisikat ang iyong liwanag upang makita ng iba ang Diyos na kumikilos sa pamamagitan mo?
Mabuting magnilay at hilingin sa Banal na Espiritu na ihayag at alisin ang ating mga kahinaan at mga “bulag na bahagi” ng ating sarili.
Ang mga “sakit ng panganganak” na inihula bago ang pagbabalik ni Hesus ay darating sa takdang panahon. Ngunit ngayon, higit kailanman, ito ang panahon upang patatagin at isabuhay ang ating pananampalataya araw-araw.
Kung babalik si Hesus, darating ang mahihirap na panahon. Kaya ngayon ang tamang panahon upang lumago, tumibay, at maging handa sa pananampalataya.
Panahon na rin para sa mga mahina ang pananampalataya at sa mga wala pang malalim na relasyon sa ating Panginoong Jesus. Panahon na para magbago, dahil hindi natin alam kung kailan matatapos ang ating buhay sa mundong ito.
Sinasabi sa Revelation 1:7, “Behold, he is coming with the clouds, and every eye will see him.”
Sa Matthew 24:44, “the Son of Man is coming at an hour you do not expect.”
At sa Acts 1:11, ipinapangako na Siya ay babalik sa parehong paraang Kanyang pag-akyat.
Ikaw, kapatid—handa ka na ba?
Jeepney Press
by Jasmin Vasquez
January - February 2026
Panahon na naman ng Snow sa Japan
Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lamang, ngayon ay panahon na muli ng snow. Sobrang lamig ngayon kumpara noong nakaraang taon dito sa Nagano. Tandang tanda ko pa ng ako ay ma aksidenteng nadulas at naging resulta ng crack sa buto ng aking braso. Sobrang sakit. Mabuti na lamang at hindi tumama ang aking ulo. Mga ilang minuto pa bago ako naitayo ng aking co-worker dahil hindi ako makagalaw.
Sabado ng madaling araw noon, pinilit kong makauwi mula Kiso hanggang Iida. Dahil hindi ko na matagalan ang kirot, humingi ako ng tulong sa agency namin sa work na humanap ng hospital na pwede akong ma-checkup. Pero wala silang doctor na espesyalista sa buto. Hindi nila alam kung paano basahin ang xray ng aking buto. Pansamantala, binigyan ako ng pain reliever. Sobrang sakit talaga. Kinabukasan uli, Lunes, dali dali ako pumunta sa orthopedic at ayun na nga, kailangan daw ma-semento ang aking braso ng minimun 6 weeks. Hanggang sa umabot ng 2 buwan mahigit bago natanggal. Mainam at may Rosai Hoken (Worker’s Compensation Insurance) dahil sinagot nila lahat ng gastos pati allowance ko. Sobrang nakakainip din na dalawang buwan kang hindi nagtatrabaho. Sa awa ng Diyos, nakabalik na din naman ako ng work. Kaya lang dahil malamig ngayon nagsisimula na namang kumirot at sumamit ang aking braso. Hindi lang ako ang na-aksidente noong mga panahon na iyon, marami pang sumunod sa akin.
Kayo ngayon, sobrang ingat na ako sa paglalakad kapag papasok at pauwi. Para na akong penguine kung lumakad. Mainam na yung mag ingat kaysa ma-disgrasya uli.
Mag iingat po tayong lahat dahil hindi biro ang sinapit ko. Sa una lang, akala mo ang ganda ng snow pero delikado po talaga. Maging sa pagmamaneho ng ating mga sasakyan. Maraming nadudulas. Salamat sa Panginoong Jesus at palagi pa rin Niya tayong ginagabayan. Huwag tayong magmadali para maiwasan ang disgrasya. Pasasaan at makakarating din naman tayo sa ating pupuntahan kahit hindi nagmamadali. Paalala ito dahil mahalaga ang ating buhay kaya tayo ay mag-ingat lagi at patuloy na magpasalamat at humingi ng gabay sa ating Panginoong Jesus.
• Psalm 16:1: "Protect me, O God, for I take refuge in you. I say to the LORD, 'You are my Lord; I have no good apart from you." "Keep me safe, my God, for in You, I take refuge."
Magandang araw po sa inyong lahat. God bless us all!